^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basurang Canada ilang containers ba?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basurang Canada ilang containers ba?

SA Mayo 15 ay ibabalik na ang mga basura ng Canada na dinala rito sa Pilipinas ng Chronic Inc. noong 2013 at 2014. Ipinag-utos ni Finance Sec. Carlos Dominguez sa Bureau of Customs na ibalik sa Canada bago mag-Mayo 15 ang mga basura sa utos ni Presidente Duterte. Nagbanta ang Presidente na makikipaggiyera siya sa Canada kapag hindi pa kinuha ang mga basura. Ang mga basura ay kinabibilangan ng household at hospital wastes na hindi maaaring i-recycle. Nang unang buksan ng Customs ang mga container noong 2013, natambad at nalanghap nila ang mga nabubulok na basura. Nang mag-usap sina Presidente Duterte at Canadian Prime Minister Justin Trudeau noong nakaraang taon nang dumalo ang huli sa APEC Summit sa Maynila, nangako na sosolusyunan ang problema. Pero lumipas pa ang isang taon at walang action ang Canada ukol dito na ikinagalit ni Duterte. Sabi ng Presidente sa Canada, huwag gawing tambakan ng basura ang Pilipinas.

Kung matutupad ang deadline na pagpapabalik sa Canadian trash sa Mayo 15, (at sasagutin daw ng Canada ang gastos) mabuti at matatapos na ang problema na anim na taon ding tiniis ng bansa ang basurang imported. Pero ang tanong ngayon, ilan ba talaga ang containers ng basura na ibabalik sa Canada? Ang tanong ay lumutang nang sabihin ng Customs na marami na palang basura ang naitapon sa Tarlac noong Hulyo 2015 sa utos ni dating DENR Secretary Alberto Lina. Ayon sa report, 34 containers ang naitapon sa landfill ng Metro Clark Waste Management Corp. sa Bgy. Kalangitan, Capas, Tarlac. Hindi malaman kung bakit ipinag-utos ng dating DENR secretary ang pag-disposed sa 34 containers.

Ayon sa Customs ang total containers ng basura na dumating sa bansa ay 103. Sa bilang na ito, 55 ang naka-consigned sa Chronic Plastics at 48 sa Live Green Enterprises. Ayon sa Ecowaste Coalition, may nawawala pang walong containers at hindi ma­ipaliwanag kung saan ito napunta. Ang mga container ay kasalukuyang nasa Subic Bay International Terminal Corp. at sa Manila International Container Terminal.

Nararapat tiyakin kung ilang containers talaga ang ibabalik sa Canada? O wala nang ibabalik dahil na-disposed na? Nararapat namang imbestigahan kung bakit kailangang ipag-utos ng dating DENR Se­cretary na itapon ang mga basura sa Tarlac. Household at hospital wastes ang basura na maaaring magdulot ng pagkakasakit ng mga residente sa lugar.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CARLOS DOMINGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with