^

PSN Opinyon

May 2 uri ng plastic

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

IWASAN na nating gumamit ng plastic at magpagamit sa mga plastic na tao. Ang plastic na bagay ay nakasisira sa ating kalikasan dahil taon ang bibilangin bago ito matunaw puwera na lang kung ito ay susunugin. Dito sa ating bansa malaking problema ang plastic dahil ang mga gumagamit nito ay kulang sa tamang pag-iisip kung saan-saan lang ito itinatapon. Kita naman natin na ang mga ilog at estero lalo na sa Metro Manila ay parang banig na inilatag ang basu­rang plastic at hindi mo na makita ang tubig.

Kung maaalala n’yo, marami na rin basurang plastic­ sa dagat. Merong namamatay na malalaking isda. Nang buksan ang tiyan ay kumain ito ng plastic. Hindi siguro natunawan kaya yun ang sanhi ng kamatayan. Karamihan ngayon na pagkain at inumin ay nakalagay sa plastic at ang mga walang disiplinang tao pagkagamit ay kung saan-saan na lang itinatapon.

At meron ding tinaguriang plastic. Sa madaling salita doble kara. Marami yan ngayon. Nagkalat ang mga taong plastic sa bawat kanto at lugar ng ating bansa dahil panahon ng halalan. Tandang-tanda ko ang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na walang honest na kandidato. Ibig sabihin mga plastic silang lahat yun ang suma total nun. Nag-iikot, naglalatag ng kanya-kanyang plataporma at pangako pero pag sila’y nahalal na, napako na ang kani­lang mga pangako.

Totoo ‘yan. Halos lahat ng pulitiko ay walang natupad na pangako. Marami sa mga ‘yan kumandidato dahil sa pera at impluwensiya. Bihira sa kanila ang tapat na pinag­lilingkuran ang ating mga kababayan. Pero huwag ka, pagpanahon ng halalan, kamag-anak niya lahat ng tao.

Bumuto tayo nang naaayon sa konsensiya dahil sa kanila nakasalalay ang kapalaran ng ating bansa.

vuukle comment

GARBAGE

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with