^

PSN Opinyon

Ginahasa ng sariling anak

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

SA kaso ng rape, kadalasan na walang relasyon ang akusado at kanyang biktima. Kahindik-hindik at nakagugulat din naman kung magkamag-anak pa sila lalo at ang biktima ay ang sariling ina ng akusado. Sa ilalim ng batas (Revised Penal Code), tinatawag itong “incestous rape” at mas mabigat ang parusa gaya ng death penalty dahil hindi man lang binigyan ng respeto ng akusado ang katandaan at relasyon nila ng biktima. Pero sa kasong ito, hindi pinataw ang death penalty. Ito ang kaso ni Luz, isang 57-anyos na ina. Anak niya si Mario na nakapisan sa kanya at lulong sa shabu.

Isang hatinggabi, natutulog si Luz sa sofa sa unang palapag ng kanilang bahay. Nilapitan siya ng anak na si Mario at tinutukan ng kutsilyo sabay hinubad ang kanyang duster at panloob. Sunod nitong hinubad ang shorts at brief at walang awang pinagsamantalahan ang sariling ina. Masama ang pakiramdam noon ni Luz at marahil sa tindi ng pagkagulat ay hindi man lang nakuhang makapanlaban sa ginawa ng anak. Hindi pa nakuntento, nag-mas­tur­bate pa si Mario sa harapan ng ina.

Isang linggo matapos ang insidente, pagitan ng ala-una hanggang alas-dos ng madaling araw, habang natutulog sa sofa si Luz, muli siyang hinubaran at pinagsamanta­lahan ni Mario. Tulad ng dati, tinutukan siya ng kutsilyo kaya hindi siya nakalaban. Hinimatay si Luz habang hinahalay ng durugistang anak.

Apat na buwan ang lumipas, katatapos lang maligo ni Luz at paakyat na sa kuwarto para magbihis. Nakatapis lang siya at suot ang bra at panty nang biglang sumulpot si Mario. Tinutukan siya ng kutsilyo sabay lamas sa kanyang dede. Hinubad ng anak ang shorts at brief sabay patadyak-tadyak pa ng paa habang minumura siya. Nang magmaka­awa si Luz at tanungin ang anak kung bakit hindi na lang ito maghanap ng asawa ay tila napahiya saka lumayo sa ina.

Ang tiyahin ni Luz na si Medy ay nakatira dalawang pinto­ lang ang layo mula sa kanilang bahay ang naka­pansin sa madalas na pag-iyak at tila pagiging wala sa sarili ng pamangkin. Nilapitan niya si Luz at kinausap hanggang umamin ang pobre sa ginagawang pagsasamantala sa kanya ni Mario. Isinama ni Medy si Luz sa mga kapatid nito at pagkatapos ng dalawang araw, sa presinto para isuplong at kasuhan ang anak ng rape/attempted rape. Si Senior Inspector Almario ang nag-imbestiga sa kaso at nagpadala ng ulat sa piskalya hanggang sa maisampa ang dalawang reklamo ng rape at isang reklamo ng attempted rape laban kay Mario. (Itutuloy)

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with