^

PSN Opinyon

Pinilit lang (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

BUKOD sa pagtanggi, ang madalas na depensa sa rape ay ang tinatawag na “sweetheart theory”. Hindi itinatanggi ng akusado na may nangyari sa kanila ng biktima pero ang palusot niya ay ginusto nila pareho ang nangyari at walang dahas o pananakot sa parte niya. Tulad ng alibi ay mahirap din itong patunayan at paniwalaan tulad sa kaso natin ngayon.

Ang kasong ito ay tungkol kay Abi na noon ay 18-anyos lamang nang mangyari ang insidente. Isa siyang 3rd year student ng nursing sa isang prestihiyosong unibersidad sa probinsiya sa timog. Lagi siyang honor student at kahit 18-anyos pa lang ay nagpaplano na silang magpa­kasal ng kanyang nobyong si Hans na karelasyon niya sa loob ng dalawang taon. Sa kalapit na probinsiya naka­tira ang lalaki. Sa oras na makatapos siya ng pag-aaral ay magpapakasal na sila.

Ang nanay niyang si Lupe ang namamahala sa pubhouse na pagmamay-ari nila. Tumutulong siya sa ina at paminsan-minsan ay sa pubhouse na sila natutulog. Doon niya nakilala si Mark na nakatapos lang ng highschool sa isang malayong barrio. Nagtrabaho ang lalaki sa kanila bilang gitarista at singer sa pubhouse tuwing gabi. Isang beses pa nga ay kumanta sila ng sabay kaya nahumaling sa kanya si Mark.

Matapos ang isang buwan, nagkaroon ng pagkaka­taon si Mark na magawa ang masamang balak kay Abi nang sabihan ni Lupe na matulog muna ang dalaga sa pubhouse samantalang ang ina ay matutulog sa restaurant/turo-turo na pagmamay-ari at pinamamahalaan din nila.

Bago pumasok ng kuwarto si Abi ay nakita niyang nag-iinuman sina Mark, Dodoy, Boy at Aries. Bandang alas kuwatro ng madaling araw, lumabas siya ng kuwarto para umihi. Biglang sumulpot sa harapan niya si Mark at tinakpan ng kanang kamay ang kanyang bibig.

(Itutuloy)

vuukle comment

SWEETHEART THEORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with