^

PSN Opinyon

Pasabugin, barko ng drug couriers!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Ipinag-utos ni President Duterte sa Philippine Navy na pasabugin ang mga barko ng drug couriers. Ito ay matapos ang sunud-sunod na makakuha ang mga mangingisda ng mga bloke ng cocaine sa karagatan ng Mindanao at Bicol Region. Sa puntong ito, nara­rapat na magkaroon ng eksperto sa droga na kakatawan sa Senado sa May 2019 elections.

Sa tingin ko ay karapat-dapat si dating PNP chief Director General Ronald  “Bato” dela Rosa sa Senado para makatuwang ni Duterte sa giyera kontra droga. Si Bato kasi ang unang inatasan ng Presidente na paigtingin ang laban sa ilegal na droga sa bansa. Pa­ngako ni Bato na babalangkas siya ng mga batas na magpapalakas ng kampanya sa droga at tutulong sa pagpapatayo ng rehabilitation centers. Muling nabahala si Bato dahil may 40 bloke na naman ng cocaine ang nakuha ng mga mangingisda sa karagatan ng Surigao del Norte kamakailan. Naniniwala si Bato na kapag walang nakatulong ang Presidente, manganganib ang kinabukasan ng mga kabataan sa droga.

Sinabi ni Bato na utang niya sa Presidente ang kinalalagyan at katayuan niya ngayon sa buhay. “There’s no Bato without Digong. Siya ang gumawa sa akin. From the start ng aking career, gina-guide niya ako kung paanong maging magaling na pulis. Mananalo ba ako kung walang suporta ni Presidente? Definitely not.” Si Bato na may “kamay na bakal” nang pamunuan niya ang PNP ay may “malambot” namang puso. Katunayan, 2 beses siyang napaiyak sa Se­nate hearing dahil sa pagdepensa sa kanyang mga tauhan sa kanilang laban kontra droga. Bigyan natin ng pagkakataon si Bato na makapaglingkod sa Senado.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with