^

PSN Opinyon

Tayo na sa CDO

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGHAHANAP ba kayo ng lugar na pagliliwaliwan nga­yong summer? Narito ang isang tip para sa inyong kasiyahan, bukod kasi sa kalinisan ng paligid at iba’t ibang pasilidad, mas sigurado kayo na ligtas ito sa anumang karahasan. Pinaiiral kasi rito ang seguridad o ang presen­siya ng mga pulis.

Ang tinutukoy ko mga suki ay ang Cagayan de Oro City na dinarayo na ngayon ng mga turista at maging  ng mga local tourist na naghahanap ng malinis at ligtas na lugar. Nagsisimula na ang pagdagsa ng mga bakasyo­nista sa CDO para subukan ang iba’t ibang patok na extreme water activities sa lungsod, na isa sa mga dahilan ng patuloy na pagbalik ng mga turista taun-taon.

Una sa binibisita ng mga bakasyonista ang Cagayan de Oro River, na naghahati sa Bukidnon at Cagayan de Oro. Dinarayo ang nasabing ilog dahil sa kapana-pana­bik na whitewater rafting na ginagawa rito. Mayroong apat na rapid trails na puwedeng pagpilian ang mga turista: Beginners, Advanced, Expert, at Extreme. Ang Beginners course ay pasok para sa mga first-timers, habang ang Advanced at Expert naman ay inirerekomenda para sa mga gusto ng intense rapids. Samantala, ang Extreme course ay inaalok sa mga may matagal nang karanasan sa whitewater rafting.

Bukod sa whitewater rafting, ipinagmamalaki rin ng CDO na isa ito sa mga lungsod na dinarayo para sa whitewater kayaking. Hindi tulad sa whitewater rafting na kailangan ang teamwork, ang whitewater kayaking ay para sa mga thrill-seekers na gustong mag-solo. Isa rin sa pinupuntahan sa lungsod ang Mapawa Nature Park, na may iba’t ibang water activities para sa mga ba­kasyonista.

Kabilang sa mga patok sa turista ang obstacle course, river trek, at canyoneering. Samantala, patuloy na sinisikap ng lokal na pamahalaan na siguraduhin ang kaligtasan ng mga bakasyonistang dumarayo sa lungsod para subukan ang mga extreme water activities dito. 

Subalit may kasabihan tayo na kahit na super kaligtasan na ang pinaiiral sa lugar, dapat pa rin ninyong isaisip ang inyong kaligtasan dahil ang panganib ay nasa inyong mga sarili dapat na umiral. Kaya paulit-ulit na pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga travel agencies sa lungsod na sumunod sa safety standards at siguraduhin na may sapat na kaalaman sa pangunang lunas ang mga tour guides nito.

Kamakailan lang, binalaan ni CDO City Mayor Oscar Moreno ang mga travel agencies na istriktong magpatupad ng safety measures para sa kanilang mga extreme water activities, kung hindi ay isususpende sila. Binigyang diin din ni Moreno ang pangako ng kanyang pamahalaan na patuloy na paunlarin ang turismo ng lungsod.

vuukle comment

CDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with