^

PSN Opinyon

Huwag magtulak ng illegal drugs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TINULDUKAN na ng National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit, Manila Police District-Balic Balic Police Station 4 at Philippine Drug Enforcement Agency-NCR ang pamamayagpag ng Pementera criminal gang sa pagtutulak ng droga sa Maynila at Quezon City. Natimbog sa buy bust operation ang mga miyembro ng grupo sa loob ng tinutuluyang apartment nito sa 1817-C Algostro Building, Simoun St., Bgy. 484, Zone 48, Sampaloc, Manila.

Kinilala ni NCRPO chief Maj. General Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Porfirio Mementera, Orlando Naguinin at ang barangay tanod na si Joseph Dela Cruz. Nakumpiska sa kuwarto ng mga suspect ang 516 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,508,800. Nakumpiska rin ang sari-saring drug paraphernalia, 1 revolver at 1 hand held radio.

Araw-araw, may nahuhuling tulak si Station 4 chief Lt Col. Robert Domingo subalit tuloy pa rin ang kalakaran ng droga sa kanyang nasasakupan. Dahil siguro sa madulas­ ang Pementera kaya nalulusutan sina Domingo. Subalit ngayong himas rehas na ang mga ito ay tiyak na marami pang mga tulak at HVT ang mahuhuli ng NCRPO at Station­ 4 sa hinaharap dahil ang makapagtuturo rito ay ang mga cell phone na nakumpiska. Dito makikita ang mga pangalan ng mga personalidad na bumibili sa kanila ng shabu, at marahil ito rin ang magiging daan upang matukoy kung sinu-sino pa ang malalaking isda na nagsusuplay sa kanila.

Aminado si Domingo na ginagawang hanapbuhay na ngayon ang pagbebenta ng droga dahil madaling pagkakitaan. Kaya binigyan niya ito ng prayoridad para mabawasan ang paglaganap ng droga sa kanyang nasasakupan. Hindi sinusukuan ni Domingo ang kampanya kontra droga at maging ang kanyang mga tauhan ay mahigpit itong minamatyagan upang maipatupad ang programa ni Pres. Rodrigo Duterte.

Panawagan ko sa mga kababayan, umiwas sa droga. Hindi naman kaila sa atin na naglilitawan na naman ang iba’t ibang uri ng krimen na ang pangunahing dahilan ay ang pagkalulong sa droga. Kaya kapag may nalaman kayong nagtutulak at gumagamit ng droga, iparating kay General Eleazar para matuldukan na ito.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with