^

PSN Opinyon

Sinakop na ba tayo ng mga Chinese?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LAHAT nang sulok sa Metro Manila ay namumutiktik ang mga Chinese. Hindi ito maipagkakaila sa Pasay City at Parañaque City kung saan halos lahat ng establisimento ay maraming Chinese. Mula sa chef, call center at iba pang trabaho ay pawang mga Chinese ang nakikipag-agawan ng trabaho sa mga naghihikahos ng Pilipino. Kaya may ilang mataas na opisyal ng pamahalaan ang nagsabi pa nga nito na mga tamad daw ang mga Pilipino kaya ang mga Chinese ang kinukuhang trabahador ng multi-millionaires companies. Maging kasi ang mga construction ngayon ay mga Chinese ang mga trabahador dahil may mga alam daw ito sa trabaho o yaong mga tinatawag na skilled employees.

Subalit mukhang salto ito. Kung sa abilidad lamang ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang mga Pinoy dahil subok na sa buong mundo. Ang masakit lamang nito ay kung bakit kung dito sa Pinas mag-apply ng trabaho, dumadaan sa butas ng karayom bago matanggap. Pa­ngu­nahin na riyan ay ang clearances ng NBI, police, PSO at pati baran­gay­ ay kailangang mai-produce bago magka-tsansa na ma­­tanggap sa inaaplayan. Ang medical test na ubod ng mahal ay dadaanan bago magka-tsansa na matanggap. Kaya kung palarin man tiyak na hilahod na sa utang. Tiyak na manlu­lupaypay ka pa muli oras na matanggap mo ang iyong suweldo dahil tadtad ito ng kaltas mula sa BIR, SSS, Pag-IBIG at PhilHealth. Tama naman ang mga kaltas sa mga empleyado dahil ang makikinabang naman nito ay ang empleyado at kanilang pamilya.

Ang mga naturalized Pilipino sa Ongpin, Binondo, Manila ay nagsabi na mahal nila ang ating bansa. Lahat nang obligasyon o bayarin sa gobyerno ay kanilang sinusunod  upang makatulong sa ekonomiya ng bansa. Subalit itong mga illegal Chinese ay hindi parehas ang pagtrato ng ilang ahensiya ng ating pamahalaan. Ang binabasehan nila ay itong pagkakaroon ng negosyo at lupain ng mga Chinese, ang dapat kuno ay 40/60 ang patakaran at ang pagbayad ng buwis ay dapat na mas mataas kaysa sa mga natural Pilipino businessmen.

Sa ngayon, halos lahat ng mga condominium ay nabili na ng mga Chinese kaya hindi na kaya ng mga Pinoy na bumili sa sobrang taas ng presyo ng bawat unit. Kaya may panawagan sa pamahalaan na dapat repasuhin ang pagdagsa ng mga Chinese sa bansa upang makontrol ang pagdami nila at siyempre upang makakolekta ng tamang buwis o bayarin sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang magkalaman ang kaban ng bayan. Sa ngayon kasi na pangunahin nating problema ay ang illegal na droga, hindi naman natin sila inaakusahan nito subalit dapat lamang na maging maagap at mapagpanuri ng mga ahensiya ng pamahalaan upang mabawasan o mapigilan ang paglaganap nito sa komunidad.

Hindi naman maitatatwa na karamihan sa mga droga na nakukumpiska ng Philipine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ay may Chinese characters. Wala namang kakayahan ang ating mga kapwa Pinoy na mag-manufacture nito dahil ang alam lamang ng ating mga kababayan ay ang magtulak at gumamit ng droga. Likas kasi sa ating mga kababayan ang gumaya sa uso subalit oras na nagipit na ang mga ito ay sila na mismo ang nagtutulak upang matustusan ang kanilang luho. Nawa’y maging eye opener ang nangyayari sa ating bansa upang kumilos ang mga opisyales ng pamahalaan na mahalin ang sariling atin, huwag naman sanang samantalahin ang agarang alwan sa buhay dahil ang kaakibat nito ay ang paghihirap sa hinaharap. Paalala lang po ‘to sa lahat ng nagmamahal sa bansa.  

vuukle comment

CHINESE WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with