^

PSN Opinyon

Midya na sangkot sa droga, ikalaboso

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI ikinatuwa ng mga matitinong mga kabaro namin sa midya na marami sa kanilang hanay ang gumagamit ng droga at tulak nito.

Kaya kailangan silang hulihin para hindi na makasira sa ibang midya ang kanilang ginagawa.

Sabi nga, trabaho lang at walang personalan!

Kung may anay sa kanila dapat itong ipa-pest control para mawala na ang mga ito. Hehehe!

Hindi na kailangan pang hubaran sila ng maskara dahil ang mga adik, adik ay hindi natatakot sa mga banta sa kanila dahil nga ang mga utak nito ay mga sira na dahil sa kakabatak ng droga.

Huwag nang bigyan ng ultimatum ang mga kamote hulihin na kung may mga lumalabag sa batas

Sabi nga, huwag nang patagalin pa!

Abangan.

Si Imee Marcos at ang Department of OFWs

HINIMOK ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos si Boss Digong na sertipikahan bilang ‘urgent’ ang paggawa ng isang departamento na nakatuon sa mga panganga­ilangan ng may 2.3 milllion overseas Filipino workers.

“The oppression and abuse suffered by OFWs working as domestic helpers in some countries is a continuing horror story, causing serious physical and mental injuries on many daughters, mothers, and young women who only want to make a better life for their families,” paliwanag ni Imee. 

Walang ahensiya sa pamahalaan ang nakatutok para sa mga pangangailangan ng mga OFWs at ng kanilang mga pamilya. Sa laki ng itinutulong nila sa ekonomiya natin, kailangan natin silang panga­lagaan nang pangmatagalan. 

Sabi nga, kailangan ang sariling departamento na tututok sa kanilang mga problema at pangangailangan ng mga OFWs!

Ayon kay Marcos, may isang one-shop-shop model pero hindi ito sapat dahil nakatutok lamang ito sa deployment ng mga manggagawa.

Marami ang dapat gawin para sa mga OFWs at mga pamilya nila kaya kailangan gawing prayoridad ang isang legislative measure upang suportahan ang initiative sa OFWs ni Boss Digong.

Ibinida ni Marcos, sa Ilocos Norte, may 61% pamil­ya ang nakatatanggap ng mga remittances mula sa kanilang mga kamag-anak na OFWs. Ang Ilocos ay isa sa limang regions na may pinakamaraming OFWs, ayon sa Philippine Statistics Authority.

“Mabigat din ang social costs sa mga pamilya ng mga OFWs. Sa amin, maraming asawang naiiwan ang nagkaka-depression at nagiging mga alcoholic, at maraming mga anak naman ay nalululong sa masamang barkada at bisyo o inaabuso ng pinag-iwanan sa kanila,” sabi ni Marcos. 

Inihahanda ni Marcos ang isang panukala para gumawa at irekomenda  ang isang  OFW savings and loan association katulad ng AFPSLAI, Inc. para makatulong sa mga pamilya ng OFWs para sa financial, investiment at credit assistance ng mga manggagawa sa ibang bansa.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

vuukle comment

IMEE MARCOS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with