^

PSN Opinyon

Erap bagsak sa DILG

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ALAM ba ninyo na mga “bagsak” pala ang grado na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa pag­laban nito sa ilegal na droga sa pamamagitan ng Anti-Illegal Drugs Abuse Council (ADAC)? Mukhang wrong timing ang DILG dahil umaarangkada na ang kampanyahan. Naliliitan pa ba ang DILG sa araw-araw at gabi-gabing operasyon ng Manila Police District kontra droga.

Ayon kay DILG Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Echiverri, ang Maynila ay nakakuha ng 65 percent. Sabi ni Echiverri ang rating na 50 o mas mababa ay nagpapatunay na hindi naging maganda ang pangangasiwa ng LGU dahil sa ‘di pagpa­patupad ng ADAC na dahilan para sila ay sampahan ng kasong admi­nistratibo. Ang DILG at ang Dangerous Drugs Board (DDB) noong Mayo 21, 2018 ay nagbigay ng Joint Memorandum Circular No. 2018-01 na nag-aatas sa lahat ng LGUs na gawing aktibo, palakasin at tiyakin ng kanilang mga lokal na ADAC; na mangangasiwa sa paglaban sa ilegal na droga  at maglaan ng pondo rito.

Sa kaso ng Maynila, sinabi ni Echiverri na ang ADAC ni Estrada ay malayo mula sa mga inaasahan sa LGU. Kahit na ang gradong 65 ay hindi karapat-dapat sa paghahain ng isang administrative charge laban kay Estrada. Sinabi ng opisyal ng DILG na hindi pa rin siya nasisiyahan sa performance ng Manila kumpara sa iba pang mga lungsod na may malaking populasyon tulad ng Quezon City, Caloocan at Pasay. Kung sabagay, ang Maynila ay pinakamara­ming squatters kaya halu-halo ang tao rito at napakahirap sa mga pulis na malipol ang drug pushers at users kumpara sa ilang lungsod na aktibo ang barangay officials.

Hindi kakayanin ng mga pulis ang pagdurog sa pushers at users kung hindi makipagtulungan ang barangay officials sa pinamumugaran ng droga. Napag-alaman ko, halos wala na sa programa ng Maynila ang pagsalakay sa mga video karera at fruit games machine na pinagpipistahan ng mga adik. Kapag maraming video karera at fruit machine games tiyak na mamumutiktik ng adik ang lugar dahil ito ang trip nila matapos mag-shabu. 

Ayon sa DILG, nakakuha ang Quezon City ng rating na 100 habang ang Caloocan ay nakakuha ng 95 grado sa pakikipaglaban sa droga. “’Yung tatlo, QC, Caloocan at Pasay ay nakakuha ng mataas na rating, Manila lang ang hindi,” sabi ni Echiverri. Noong Miyerkules pinamunuan ni Echiverri ang paghahain ng kaso sa Office of  Ombudsman laban sa 51 local officials dahil sa hindi pagpapatupad ng kani-kanilang mga ADAC. Paano iyan Mayor Estrada, kailangan ay bumawi ka sa ibinigay na bagsak na grado ng DILG. Gamitin mo ang iyong kamay na bakal upang malipol na ang droga sa Maynila. Hindi pa huli ang lahat, kailangan lang ay agarang aksyon sa droga. Abangan! 

vuukle comment

ANTI-ILLEGAL DRUGS ABUSE COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with