^

PSN Opinyon

Mga drivers na positive sa droga, huwag nang mandamay

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

POSITIBO sa droga ang 55 drivers matapos ang isang ‘surprise’ attack este mali drug test pala sa mga tinitirikan nilang mga terminals.

Bukayo ang mga drivers na madiskubreng bumabatak sila ng mga drogang paborito nilang gamitin kaya naman dapat silang ipasok sa drug rehabilitation at kung hindi, huwag na silang payagan pang mag-drive ng mga sasakyan ng gobierno.

‘Patawan sila ng parusa kung ilang buwan dapat sila sa drug rehabilitation dapat nila itong bunuin.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan ding isailalim sa pagsusuri ang kanilang mga drivers license kung orihinal ito o talahib.

Bukod dito, kailangan ay kumuha sila ng NBI para malaman at mai-record kung tunay ang kanilang pagkatao bago sila ipasok sa drug rehabilitation.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinakamaraming nabuking sa droga ay mga jeepney drivers, 14 tricycle drivers, 11 ang taxi drivers, 5 ang UV express drivers at isang bus driver.

‘Mantakin mo ang ipapahamak na mga pasaherong sakay nila?’

Sabi nga, nagmamaneho pero malayo ang iniisip dahil sa tripping na epekto nang tinirang droga.

“Dapat ay hindi tantanan ng mga autoridad ang kanilang gimik este surprise drug test pala para magtanda ang mga adik,adik na mga tsuper.” sabi ng kuwagong bagong laya sa aplaya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ok lang sana kung mga floorwax o katol ang tinitira ng mga adik, adik na drivers para walang madamay sa mga kagaguhan nila. Hehehe!

Hindi biro ang pagtaas ng mga disgrasiya sa kalye dahil sa paggamit ng droga ng mga adik, adik na drivers.

“Ano ang mainam para maiwasan ang paggamit ng illegal drugs?” tanong ng kuwagong flip.

Sagot - Huwag silang guma mit. Hehehe!

Paano kung positibo sa confirmatory drug test ang mga kamote?

Simple lang iyan.

Ano nga?

Sagot - Huwag mahiyang ikulong sila!

Abangan.

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with