^

PSN Opinyon

Joma at Misuari walang pinagkaiba

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ITONG sina Joma Sison at Nur Misuari ay parang mga bata na ‘pag hindi nabigyan ng lollipop ay ngangawa at pagulung-gulong sa sahig. Matapos tuldukan ni Pres. Digong Duterte ang peace talk sa CPP-NPA, ito naman ngayon si MNLF founding chairman Nur Misuari ang guma­gawa ng ingay. Magkakaroon daw ng digmaan kapag hindi pumasa ang Federalismo. Maliwanag pa sa sikat ng araw na gobyerno ang pinatatamaan niya nito. Ano yun, parang mga bata lang na maglalaro ng baril-barilan?

Ang hirap kina Nur at Joma, mahilig magpapansin pag nawala sa eksena. Kung inaakala nilang kayang pabagsakin ang gobyerno, malaking pagkakamali nila. Sibilyan lang ang kaya nilang ratratin dahil alam nila na walang mga armas upang gantihan sila. Kung naalala n’yo yung nangyari noong Setyembre 2013 sa Zamboanga City na sinalakay ng tropa ni Nur Misuari, kawawa ang mga sibilyan dahil hindi nila alam kung saan susuot na lungga. Sila yung naiipit sa labanan. May napala ba si Nur sa ginawa niyang gulo? Wala di ba?

Ngayon nagbabanta na naman siya ng digmaan laban sa gobyerno. Ang masasabi ko lang, you’re picking on the wrong guy dahil hindi ka uurungan ni Digong sa sinasabi mong digmaan. Ayon kay Digong kung gusto n’yo ng giyera ay pagbibigyan kayo. Hindi tayo nagkamali ng hina­lal na Presidente. Kahit maraming beses ko siyang tinira sa mga kolum ko, pagdating sa ganitong klaseng issue ay sanggang dikit kami. Hindi siya nasisindak sa mga sira-ulong sina Nur at Joma. Kung sintigas ng bato ang paninindigan ng da­lawang ito, ano pa kaya ang kay Digong. Adobe kaya? Hindi n’yo kayang tibagin dahil meron ng mga sumubok  pero sorry na lang sila, ‘di nila kinaya.

Kaya kina Joma at Nur, mamundok na lang kayo!

vuukle comment

JOMA SISON

NUR MISUARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with