^

PSN Opinyon

NPA tuldukan na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

OPISYAL nang idineklara ni Presidente Duterte na wala nang magaganap na peace talks sa CPP-NPA-NDF ang pamahalaan habang siya ang Pangulo. Tamang hakbang iyan! 

Ituloy natin ang pagsisiwalat sa mga diabolikong sikreto­ ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army at National Democratic Front, batay sa salaysay ng isang dating aktibong kasapi. Aniya, kung hindi napatay sa engkuwentro, malamang ay isa nang kapaki-pakinabang na mamamayan si Alyas Apol. Ito’y ayon kay ex-Kadre Ka Louie na dating Regional Youth leader ng Communist Party­ of the Philippines (CPP) kaugnay ng nalalapit na anibersaryo­ ng kilusan nitong Marso 29.

Dating  propesor sa unibersidad si Ka Louie at estud­yante niya si Ka Apol. Si Ka Louie ay walong taon sa kilusan mula 1980 hanggang 1990. Naging hepe siya ng Regional Youth ng CPP sa National Capital Region hanggang umalis sa kilusan upang tapusin ang pag-aaral at naging propesor. Aniya, hinihimok niya si Ka Apol na tumiwalag sa rebeldeng samahan pero bigo siya. Ani Ka Louie, lahat ng kilala niyang kasapi sa Communist Terrorist Group ay hinihikayat niyang kumalas. Isa na rito si Ka Czes. 

Kapwa matalino sina Ka Apol at Ka Czes. Parehong miyembro ng Collective Unit. Si Apol ay Student Council Vice President habang si Czes naman ay Political Science Society President. Pinayuhan sila ni Ka Louie na tapusin nila ang kanilang pag-aaral dahil palubog na ang kilusan at papunta na sa pagiging panunulisan.

Tinapos ni Czes ang kanyang pag-aaral. Pero si Ka Apol ay nanatiling rebeldeng nasa bundok. Ikinagalit ni Apol ang pagtalikod ni Czes sa kilusan. Si Czes ay isa nang head executive assistant ng isang magaling na senador­ at nakatapos ng abogasya. 

Samantalang si  Apol ay napabalitang napatay sa isang engkuwentro sa Tanay, Rizal. Bahagi ng gawain ng unit ni Apol ang pang-aagaw sa mga lupain ng mga haciendero kaya siya pinatay. Nabatid na kinaladkad pa ang bangkay ni Apol sa plaza at ipinarada para ipakita sa mga magsasaka na hindi sila kayang proteksyunan ng NPA.

Sinasabing ibinaon ang bangkay ni Apol sa paanan ng bundok ng Sierra Madre sa bahagi ng Rizal.

Minsan ay muling nagtagpo sina Ka Louie at Czes at napag-usapan nila si Apol. Isinumpa ng dalawa na kanilang gagawin ang lahat para wala nang Apol na maging biktima pa ng NPA. Kasabay nito ang panawagan sa pamahalaan na sana ay sawatain na ang NPA para wala nang masirang buhay ang rebeldeng grupo.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NEW PEOPLES ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with