^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Banta ni Misuari

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Banta ni Misuari

HINDI magandang pakinggan ang mga sinabi ni Moro National Liberation Front (MNLF) chair­man Nur Misuari na kapag nabigo raw ang gobyerno­ sa isinusulong na federalism, mag-aalsa siya. Ma­kikipaggiyera raw siya laban sa pamahalaan. Pani­bagong rebelyon daw ang kanyang ilulunsad kapag hindi itinuloy ang federalism. Ang pagbabanta ay sinabi umano ni Misuari kay President Duterte nang dumalaw ito sa Malacañang. At ang sagot naman daw ng Presidente sa bantang giyera ni Misuari, lalabanan ito. Ipagtatanggol ng gobyerno ang bansa sa sinumang magtangka ng giyera. Kung giyera ang gusto ni Misuari, nakahanda raw si Duterte.

Mabuti naman at hindi nasindak ang Presidente sa bantang panibagong rebelyon ni Misuari. Tatak na ni Misuari ang manggulo kaya hindi na nakapagtataka kung ganito ang kanyang banta kapag hindi natuloy ang federalism. Wala naman siyang nalalaman kundi daanin sa dahas ang lahat.

Nagpapahiwatig na ng gulo si Misuari. Para bang nananakot siya na magkakagulo kapag hindi­ natuloy ang federalism. Kaya para hindi siya mang­gulo, dapat matuloy ang federalism. Ano ito, pa­nanakot? Baka sa inaasal na ito ni Misuari ay talagang hindi mangyari ang inaasam na federalism. Baka walang mangyari sa mga balak ni President Duterte sapagkat sa umpisa pa lamang ay nagpapakita na ng karahasan ang MNLF chairman. Hindi sana ganito ang kanyang mga ipahayag sapagkat nanghihikayat ito na magkagulo at magkawatak-watak.

Nagsisikap ang Duterte administration na ma­isaayos ang bansa at maiwasan ang pagkakagulo kaya dapat makiisa si Misuari sa pagtataguyod nito. Paano siya pagkakatiwalaan kung laging ang bukambibig niya ay mag-aalsa? Sana, makipagtulungan para maabot ang minimithing kapa­ya­paan.

vuukle comment

NUR MISUARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with