^

PSN Opinyon

Si Alan Peter Cayetano at ang PHISGOC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PERA, ang problema kaya raw nagkakagulo ang ibang kampo sa nalalapit na Southeast Asian Games kaya dapat magkaisa para matiyak ang tagumpay ng Philippines my Philippines sa sports event na ito.

Ang pondo para sa SEA Games at kung sino ang hahawak nito ang pinagmumulan ngayon ng kaguluhan. 

Sabi nga, sinisiraan ang Philippine SEA Games Organizing Committee o PHISGOC. 

May grupong hindi sanay sa palakad ng PHISGOC sa pamumuno ni dating Senator at dating Foreign Affairs Secretary na si Alan Peter Cayetano dahil  may pagka-istrikto sa paggamit ng P5 bilyong pondo  na nakalagak ngayon sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa paghahanda sa SEA Games.  

Wala namang problema sa preparasyon para sa SEA Games dahil tuloy-tuloy naman at 6% ahead of schedule pa nga ang paghahanda para sa mga lugar na pagdarausan ng mga palaro. Ang problema ay ang badyet, dahil hanggang ngayon ay hindi pa naipadadala ng Kongreso ang 2019 national budget bill sa Malacañang. 

Hindi naman gaanong nababahala si Cayetano dahil lahat ng ahensya ng pamahalaan, hanggang sa Office of the President ay tumutulong sa preparasyon para sa SEA Games. 

Abangan.

Imee Marcos sa PUV modernization program

IMUMUNGKAHI ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, ang isang assistance package para sa mga driver at mga operator upang sumama  sa PUV modernization program ng administrasyon ni Boss Digong. 

Ang package ay binubuo ng liberal financing option na maaa­ring soft loan at moratorium sa installment payments sa loob ng isang taon at i-trade-in ng mga operator ang kanilang mga lumang sasakyan para hindi maging mabigat sa kanila ang pagkuha ng bagong sasakyan para gamitin nila sa hanapbuhay.  

“Ang phase out sa mga lumang PUVs ay makakatulong ng malaki sa pahirap sa trapiko sa Metro Manila para na rin mapabuti ang air quality. Ang pagpapatupad ay dapat gawin para sa kapa­kanan ng mga drivers ng PUV at may-ari nito, “sabi ni Marcos, na kandidato sa pagka-senador ngayong May midterm election.

Sabi ni Marcos, ang modernization program ay dapat matugunan ang dalawang isyu para sa tunay na problema ng kaligtasan ng publiko na nakompromiso sa pamamagitan ng sira-sira at lumang PUVs, at ang kapakanan ng mga  PUV drivers at operators.

 Ang una ay sa pagkakaroon ng mas bago, mas mahusay at eco-friendly PUVs.

Sabi nga, dapat friendly financing scheme ang kailangan para hindi mabigatan sa pagbabayad ang kukuha nito.

“Lehitimo sa talagang mabigat na problema ito ng mga driver sa operator, ang mataas na presyo ng mga bagong unit dahil nga kulang sila sa pambili ng ganitong mga bagong unit pero kaila­ngan ito para naman mas ligtas ang mga pasaherong sasakay sa kanila.” sabi ni Marcos.

Sabi ni Marcos, ang P80,000 grant plus P5,000 gas subsidy at suweldo para sa mga driver ay hindi sapat para matulungan silang magbayad ng P1.4 sa P2.1 milyong halaga ng bagong sasakyan.

Abangan.

vuukle comment

IMEE MARCOS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with