^

PSN Opinyon

Mutual respect ang kailangan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKALULUNGKOT ngunit wala nang respetuhan sa isa’t isa ang pamahalaan at ang relihiyosong sector, partikular ang mga paring Katoliko.

Ano man ang sabihin tungkol kay Presidente Duterte, malakas ang impluwensya niya sa maraming mamamayan. Mali o tama man ang kanyang sabihin ay sinusuportahan siya ng kanyang mga die-hard followers.

Kapag sinabi niyang holdapin o patayin ang mga pari, tiyak na may mga mahihikayat na gawin ang kanyang sinabi. Galit si Duterte sa aniya’y kaipokrituhan ng mga obispo na tumutuligsa sa kanya gayung sila man ay nababalot ng katiwalian, tulad na lang ng mga sex scandals na kinasasangkutan nila.

 Pero sino nga ba ang perpekto at walang mantsa ng kasalanan? Wala. Sa mga nagaganap ngayon, wasak ang imahe ng mga leader ng relihiyoso lalo pa’t matalas at maanghang ang mga salita ng Pangulo laban sa kanila. 

Kay Duterte, walang magsabing kaipokrituhan dahil aminado siya sa sarili niyang kahinaan. Iyan Siguro ang dahilan kung bakit buo ang kredibilidad ng marami sa kanya.

Parehong importante ang pamahalaan at relihiyo­song sector na dapat mangalaga sa moralidad ng mga mana­nampalataya habang pinangangasiwaan ng gobyerno ang pamahalaan.

Dapat, magkaroon ng mutual respect sa isa’t isa ang bawat sector na ito.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with