^

PSN Opinyon

Narco-list

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ISINIWALAT na ni Pres. Rodrigo Duterte ang narco-list. Galit na galit siya dahil ang mga nagaganap na krimen ay nauugnay sa paggamit ng droga. Iba’t ibang krimen ang nagaganap ngayon tulad nang pagpatay kay Christine Lee Silawan,16, ng Lapu-Lapu City, Cebu. Bukod sa 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nilaplap pa ang mukha nito. Hinala ng pulisya ay gina­hasa ito bago pina­tay. Ang masakit, ang suspek na si Jonas Bueno ay nakalalaya pa. Tinutugis na siya ng mga pulis.

Isa-isang sinabi ni President Duterte ang pangalan  ng 46 narco politicians sa kanyang talumpati sa National Peace and Order Council meeting sa Davao City. Ayon kay Duterte. “These are the people who you think are clean… they send their children to schools abroad and they even brag about it in their facebook posts with snow-capped mountains at the back” Kabilang sa mga pinangalanan niya ay sina Reps. Jesus “Boying” Celeste ng Pangasinan; Jeffrey Khonghun ng Zambales at Vicente Sofronio Veloso ng Leyte. Umalma si Veloso at sinabing fabricated at walang basehan ang akusasyon sa kanya.

Kabilang din sa tinukoy ni Duterte ay si dating police general at Daang Bantayan, Cebu mayor Vicente Loot. Si Loot ay inambush na sa pier subalit nakaligtas saman­talang si Ilo-Ilo City mayor Jed Patrick Mabilog ay nangibang bansa na at ‘di pa matukoy kung nasa Ame­rica o Canada. May 41 pang mga pangalan ng pulitiko ang binanggit ni Duterte na ang ilan ay hindi na tumakbo sa darating na May 2019 elections. Ang mga pinanga­lanan ay sinampahan ng kasong “involvement in the illegal drug Trade” sa Office of the Ombudsman. Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, lahat ng mga kinasuhan ay kinumpirma munang mabuti ng PDEA.

May mga pangalan pang hawak si Duterte at isisiwalat kapag nakumpirma na ito sa Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na pinamumunuan ng PDEA sa pakikipagtulungan ng PNP, AFP, NICA at iba pa. Marami ang nagtatanong kung matitigil na ang pagla­ganap ng droga matapos isiwalat ni Duterte ang narco-list? Kung babasehan ang nagaganap na patayan, droga talaga ang ugat ng krimen. Hindi ito maitatatwa dahil araw-araw ang raid ng PNP at PDEA sa drug den at may napapatay pero hindi nababawasan ang mga salot. Ngayong isiniwalat na ang narco-list, matitigil na kaya? Abangan!

vuukle comment

NARCO-LIST

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with