^

PSN Opinyon

Mayor Sara Duterte natameme

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MABUTI naman nanghimasok na ang ina ni Mayor Sara Duterte sa patutsadahan nila ni VP Leni Robredo at mga kandidato ng Otso Diretso. Tama ang ginawa ni Mrs. Elizabeth Zimmerman pinahinto ang anak dahil kung magpapatuloy ang batuhan ng mga hindi magandang salita ay walang ibig magpatalo riyan hahaba lang nang hahaba yan. Kung merong nakakakilala ng lubos kay Sara yun ay walang iba kundi ang kanyang ina.

Sino ba namang ina ang may gustong lamunin ng kumunoy na pulitika ang kanyang anak? Kaya bago pa mangyari ito kay Sara ay sinagip na siya ng kanyang ina. Pinutol agad ang umuusbong na sungay ng kanyang anak na gawa ng mga taong pulitikong nakapaligid sa kanya. Ngayon alam na nating napakabuting ina ni Eliza­beth Zimmerman dahil hindi niya kinunsinti ang kanyang anak sa pagpatol nito kay VP Leni.

Kilala nating lahat si Mayor Sara sa isang pagiging matapang na anak ni Pres. Digong Duterte. Ultimo kan­yang ama ay kaya niyang baliin ang salita pero ang puso pala niya ay galing sa kanyang ina dahil isang salita lang nito ay agad kumambiyo. Walang nakaaalam kung hanggang kailan ang pananahimik ni Sara pero sana pakinggan ang payo ng ina. Mother knows best ‘ika nga.

Nag-ugat ang patutsadahan dahil sa salitang “honesty­”. Para sa akin mabibilang sa daliri ang malinis at puwedeng pagkatiwalaang pulitiko. Karamihan sa mga ‘yan pumasok sa pulitika dahil sa pera at impluwensiya. Kung maalala n’yo tuwing nagpapalit ng administrasyon ay usung-uso ang balimbingan. Kaya tayong mga botante na lang ang sumuri sa mga pulitikong tapat sa pagsisilbi sa bayan.

Lumaki man ang ulo ni Sara dahil sa sulsol ng mga pulitikong nakadikit sa kanya pero hindi pala niya kayang tapatan ang salita ng kanyang ina at natameme na.

vuukle comment

LENI ROBREDO

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with