^

PSN Opinyon

Suplay ng tubig

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TUBIG naman ang ating bagong problema. Pinakama­babang lebel ng tubig ang naitala sa La Mesa Dam. Ang La Mesa ang imbakan ng tubig mula Angat Dam na sinusuplay sa Metro Manila. Ang tubig dito ay nililinis ng mga planta sa Balara at La Mesa. Sa ngayon ay mataas-taas pa ang lebel ng tubig sa Angat at Ipo Dams, pero hindi puwedeng basta-basta magpalabas ng tubig patungong La Mesa.

Ang kailangan ng La Mesa ay ulan. Pero papasok pa lang tayo sa panahon ng tag-init, na mukhang El Niño pa, kaya baka mahaba-haba ang tag-init ngayong taon. Hindi nga masyadong nag-uuulan nitong mga nakaraang buwan. Hindi nga yata nagkaroon ng pangamba na aapaw ang La Mesa. Dahil sa kakulangan ng tubig, pagrarasyon ang mangyayari. May ilang lugar na hindi na nakakatanggap ng tubig ng ilang oras, naglabas na nga ng schedule ang Manila Water. Napakahirap pa naman ng walang tubig. Napakaraming hindi magagawa nang maayos. Ipagdasal na lang natin na maaga dumating ang tag-ulan. 

Matagal nang may plano na gumawa ng bagong dam para sa suplay ng tubig ng Metro Manila. Ito ang Kaliwa Dam. Sa Quezon province planong gawin ang dam, na nagkakahalaga ng $12.2 bilyon kung saan higit $10 bilyon ay pautang ng China. Sang-ayon na ang 2 kumpanya ng tubig, na ikinakatwiran na kailangan ng karagdagang suplay ng tubig ang Metro Manila.

Pero may mga kumokontra sa proyekto na 10 taon nang gustong gawin. Ayon sa mga kumokontra, aalisin ang mga katutubong Dumagat na napakatagal nang naninirahan sa Sierra Madre. Kung gagawin nga ang dam, namemeligro naman ang mga nakatira sa ilalim dahil may aktibong fault line sa tatayuan. Tumira ka kaya roon? At ga­nundin, ang mga peligro umano ng pautang­ ng China. Wala namang argumento na kailangan ng karagdagang panggagalingan ng tubig ang Metro Manila. Kailangan nang desisyunan kung itutuloy ang proyektong ito sa kabila ng mga kumokontra at babala.

vuukle comment

LA MESA DAM

WATER SUPPLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with