^

PSN Opinyon

Cong. Salceda, ibasura ang bobo mong batas

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

I USED to have high respect for this guy but lately, sumem­plang. Anong nangyari at gumawa ng estupidong panukalang batas si Congressman Joey Salceda? Ekonomista pa naman pero sablay itong mga trip niya kamakailan. Kinakailangan daw mabigyan ang mga nanay ng sahod dahil sa pag-aalaga nila ng mga bata. LOL! Laugh out loud!

Kasama raw kasi sa istatistika ng mga unemployed sa bansa ang mga nanay na walang trabaho. Kaya dapat silang bigyan ng regular na sahod!  Parang gusto kong manghampas ng sapatos sa ulo ng matauhan ang dapat mabukulan.

Ang pagiging ina ay pagiging dakila, it is a noble voca­tion and dedication. Saludo tayo sa mga ina dahil full-time ang kinakailangan sa pag-aalaga ng mga paslit.

Ang paghuhubog ng mga kabataan ay nagsisimula sa bahay.

Numero unong papel ng mga Ina ang mag-aruga ng mga anak kaya nga tinawag na ilaw ng tahanan, gabay sa buhay. Habang ang Ama, abalang kumakayod.

Some people are simply blabbering their mouth na parang may mga diarrhea sa bibig, “mema” lang ba sabi nga. Cong. Salceda nag-isip ka ba ng maayos bago mo naisip ang panukalang ‘to o pinipilit mo lang para maka-score? Oo nga, tila music to the ears na suwelduhan ang mga nanay pero ang pagiging ina, asawa at pag-aalaga ng bata ay hindi kailanman sapilitang trabaho, it’s a choice!

Ayaw mo palang matawag na unemployed at gusto mong sumahod, aba’y wag kang mag-asawa, ‘wag kang mag-anak. Ang pag-aalaga ng bata at pamilya ay Res­ponsibilidad ng isang magulang, Ina man o Ama.

Pwedeng magtrabaho ang nanay; pwede ring magtrabaho ang tatay. Pwedeng si nanay ang magtatrabaho at si Tatay ang mag-aalaga ng bata. Depende sa kasunduan kaya nga dapat pinag-uusapan bago magka-anak. Hindi ‘yung gawa lang nang gawa.

Bakit mo iaatang sa gobyerno ang responsibilad at gastusin ng pag-aalaga sa mga bata? What are you doing? Para iboto ka ulit? Is that what you are doing? Junk it! Mabuti pa, mag-public service ka na lang.

Tigilan mo ‘tong walang kwenta mong house bill. Unfiltered. Marami sa inyong mga pulitiko at gustong pumasok sa pulitika, sangkaterbang mga may diarrhea sa bibig. Gaya ng Otso Diretso, diretso sa inidoro... babara pa sa poso negro.

Sa tuwing eleksyon, ang daming lumalabas na palabra sa bibig ng mga kengkoy, kumag at kolokoy. Makatawag lang ng pansin.

Sige, gusto mong suwelduhan pati mga nanay tapos ‘yung ilan sa kanila mas  gaganahan ng magtsismisan ,tong-its o mahjong. ‘Yun ba gusto mo Cong. Salceda? Naturingan kang ekonomista tapos lumalabas sa bibig mo… ewan.

vuukle comment

JOEY SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with