^

PSN Opinyon

Malicious prosecution dapat parusahan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nakukulong dahil sa mga walang katotohanan demanda ng mga nagsasakdal. Palibhasa’y bik­tima si dating Senador Bong Revilla na napiit pero napalaya matapos ang apat na taong pagkabilanggo, sinabi ni Revilla na isa sa mga isusulong niyang batas ay ang pagpaparusa sa mga nagdedemanda base sa mga imbento o maling impormasyon lalo pa’t nakulong ang isinakdal. Iyan ay kung papàlarin siyang makabalik sa Senado.

Gusto ng dating Senador na kung ano ang isinampang kaso laban sa isang tao at hindi napatunayan, ang kaukulang parusa sa kaso ng isinampa ay siya ring ipapataw sa nagsakdal. Magandang bill iyan dahil mababawasan na ang mga mapang-abuso sa kapangyarihan. Yung mga walang pakundangan sa pamimilipit at paggamit sa batas para manggipit ng kalaban. 

Tiyak na magdadahan-dahan ang magsasampa ng reklamo kung hindi rin lang siya segurado sa isasampa niyang asunto dahil kung kamatayan ang hatol sa demanda niya ay kamatayan din ang naghihintay sa kaniya sakaling mapatunayang hindi naman totoo ang lahat.

May pinaghuhugutan si Revilla. Napiit siya ng apat na taon at anim na buwan tapos sasabihin lang ng Korte na wala siyang kasalanan, ganu’n-ganon lang ba ‘yon? Tapos hirap na hirap pa siya sa pagharap sa panibago niyang buhay dahil sa may mga kababayan tayo na hindi naman naiintindihan ang batas na kapag absuwelto ay wala tala­gang kasalanan.

Pinersonal si Revilla ng kanyang mga political foes. Batid nilang hindi magtutuloy ang kaso dahil imbento lang, pero dahil sa bagal ng proseso sa bansa tagumpay sila sa maitim nilang balak. Dapat talagang putulan ng sungay ang mga nasa poder na abusado. Makabubuti rin ito sa mga mahihirap na ginagawan ng maling asunto, at dahil walang pera ay diretso sa kalaboso kahit walang sala. Kaso, hindi na maibabalik ang mahabang panahong nasayang sa buhay ng taong nagdusa dahil sa maling demanda. Sana nga’y magtagumpay si dating Senador Revilla sa mithiing ito. 

vuukle comment

BONG REVILLA

MALICIOUS PROSECUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with