^

PSN Opinyon

Mga humaharang ang ikinakanal

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAITIM pala ang budhi nitong sina Lady Bukbok a.k.a “Sponge Lady,” Mr. Step-in,” at “Tandang Jovy” dahil may mga amat ito sa utak.

Sabi nga, mas boss pa sila sa mga boss sa NAIA-BI?

May istilong hindi maganda itong si Lady ‘Bukbok’ nagha-hanap ito nang paraan para butasan, sirain at ilaglag ang mga kasamahan nito sa airport ganito rin ang style nina Mr. Step-in at Tandang Jovy dahil magka-grupo ang mga kamoteng ito.

Mahilig si Lady ‘Bukbok,’ maki-salamuha at makinig sa mga importanteng usapan tungkol sa human smuggling operations sa airport.

Dahil todo higpit ang ginagawa ng mga matitinong immigration personnel sa airport kaya hirap makalusot ang mga pakawala ng mga sindikato ng human trafficking sa NAIA.  

Madalas mamasahero sina Lady Bukbok, Jovy at Mr. Step-in kaya naman paldo ang kanilang mga bulsa at bags kapag going home na ang mga ito.

Style naman ni Lady ‘Bukbok’ na sirain ang kredibilidad ng mga kasamahan niya para mawala ang tinik sa grupo nila at hindi sila mabantayan sa pagpapalusot.

Si Lady ‘Bukbok,’ ang tinik sa NAIA !  Tama ba, Mr. ‘Step-in’ ?

Ano sa palagay mo Lady Bukbok dapat ka pa ba sa NAIA ?

Si Lady Bukbok ay sumabit noon sa Clark ng banggain nito ang mga superiors niya sa trabaho at hindi kayanin ang mga taong binangga niya.

Sino ba naman ang magkakagusto kay Lady ‘Bukbok’ na isa sa mga anay sa paliparan.

Pinakikisamahan ito ng mga opisyal sa airport dahil sa awa sa mga bukbok niya,  kahit nakaka-suka ang itsura nito.

Sinisiraan pa nina Lady ‘Bukbok,’ Mr. ‘Step-in’ at Tandang Jovy ang mga taong tumutulong sa kanila.

Buko na ang lakad ng tatlong itlog ng kanilang mga kasamahan sa airport kaya naman nangingilag silang pakibagayan ang mga hunghang. 

Ano sa palagay mo Mr. ‘Step-in’ at Tandang Jovy?

Si kamoteng ‘Step-in,’ pala ay miyembro ng sindikato ng human trafficking sa NAIA, magkasabwat sila ni Tandang Jovy sa pamamasahero. Take note, SOJ Guevarra, Your Honor!

‘Magkasama ang mga korap kaya kapag hinarang mo ang mga ito tiyak sibak ka sa airport. Take note, BI Commissioner Jaime Morente, Your Honor !

Mukhang hindi nadala si Tandang Jovy, sa NBI ng maamoy ito sa pagpapalusot ?

Magkakasangga ang tatlong ‘Hudas’ sa usaping palusutan blues.

Si Lady ‘Bukbok’ ay mahilig bumili ng ‘rose’ flowers at madaling makilala dahil parang mga namamagang pigsa ang anay nito sa katawan.

Abangan.  

Mas murang internet para sa lahat

HINIHIMOK  ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, na tumatakbong senador ngayon midterm election, ang Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission upang seryoso na isaalang-alang ang pagpapatupad ng isang “lifeline” rate para sa mga consumer na hindi mga ‘heavy users’ na gumagamit ng data at mobile services.

Ipinapanukala ni Marcos, ang isang package of measures para mabawasan ang gastos ng mga tawag sa telepono, text messages, at mga data services upang alisin na ang Philippines my Philippines na isa sa pinakamataas na maningil sa mga mobile voice at SMS rate sa Asya.

Ayon kay Marcos, ang  ‘lifeline’ rate ay batay sa consumer’s average data at mobile use na mapapakinabangan ng karamihang madlang Pinoy na may mababang kita.

Hinimok ni Marcos, ang gobierno na tanggalin ang value-added tax sa mga serbisyong telekomunikasyon, gaya ng tawag sa telepono, mga subscription data, at alisin na ang bayarin sa interconnectivity sa pagitan ng mga telco firms.

Sabi ni Marcos, ang pag-alis ng VAT sa cellular at data subscription ay magiging dahilan ng pagbaba ng presyo sa komunikasyon sa Philippines my Philippines at makakatulong ito ng malaki sa madlang Pinoy dito o nasa abroad.

Sa ngayon, ang  mga telco companies ay nag-aalok ng unlimited plan na mas abot-kaya ng consumers.

Ang karaniwang tower scheme ay inaasahan na mapabuti ang pagkakakonekta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang imprastraktura para sa lahat ng telco firms. Ang Philippines my Philippines ay isa sa may pinakamababang cell density sa Asya.

vuukle comment

JAIME MORENTE

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with