^

PSN Opinyon

Gen. Eleazar, ituloy mo lang ang trabaho

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAY ilang bumabatikos pero mas marami ang natuwa sa ginawa ni Major General Guillermo Eleazar kay PO2 Marlo Quibete. Suportado ko si Eleazar sa ginagawang paglilinis sa hanay ng PNP. Kita n’yo naman nitong mga nakaraang araw lugmok ang hanay ng pulisya dahil umatake ang mga buwaya nilang kasamahan. Para sa akin kulang pa ang ginawa ni Eleazar. Sana sa susunod higit pa roon ang gawin sa mga mahuhuling pulis na lumabag sa kanilang mga tungkulin.

Ano pa ba naman ang kulang sa mga buwayang pulis? Matapos doblehin ni President Digong ang suweldo n’yo sa pag-aakalang magpapakatino at mamahalin ang trabaho. Kaya  naniniwala ako na ang salitang magnanakaw ay sakit dahil kahit tambakan na ng sangkaterbang pera kapag nangati ang iyong kamay ay gagawa ‘yan ng paraan para makapag-umit. Kunsabagay para nang pinupurga ang PNP dahil unti-unti nang naglalabasan ang mga ahas sa samahan pero naniniwala akong hindi magpapatalo si PNP chief Oscar Albayalde at Eleazar sa inyo.

Kahit pa maraming gumagawa ng kabulastugan sa PNP, ang magandang balita ay bumalik na ang tiwala ng taong bayan sa mga pulis. Kung maalala n’yo nahuhuli na ang mga drug pusher, user, kidnapper at kotong cops sa pamamagitan ng sumbong ng publiko. Magandang tandem ito ngayon dahil tulung-tulong nang linisin ang ating bansa at malaking tulong din ang publiko na mahuli ang mga buwaya sa hanay ng pulisya.

Ang gusto ko sa Albayalde at Eleazar tandem ay transparent kung magtrabaho. Tamang-tama ang tandem at hangarin. Hindi nagkamali si Digong sa pagluklok sa kanila sa pwesto. Hindi malayong si Eleazar ang susunod na PNP chief dahil sa dedikasyon sa trabaho. Mabuhay ka Major General Guillermo Eleazar!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with