^

PSN Opinyon

Mindanao at Malaysia

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

DUMALO ako sa isang international investment confe-rence na ginanap sa Brunei Darussalam may ilang taon na ang nakararaan.

At isa sa mga speaker noon ay ang Trade and Industry Minister ng Malaysia na siya ring in-charge sa investments nila, ‘yan kung hindi ako nagkamali sa talagang position ng nasabing tao.

Ngunit may isang bagay lang akong hindi makalimutan sa nasabing conference na ginanap sa Brunei International Convention Center.

Tinanong ng isa sa mga participants ang Malaysian speaker tungkol sa sitwasyon sa Mindanao, na talagang magulo na rin kahit noon pa, dahil ito ang pinakamalapit sa East Malaysia. May isang oras lang na biyahe ng bangka sa pagitan ng Sabah at ng Tawi-Tawi

At ito ang walang kagatul-gatol na sagot ng Malaysian official---’It is important that we keep Mindanao poor’.

Napatunganga ako sa sagot niya.

Kasi nga ibig sabihin nito hindi talaga taos puso ang pagtulong ng Malaysia sa Pilipinas.

Ito ay pakitang-tao lang upang magpatuloy ang pag-unlad ng Malaysia at siya namang pagpatuloy ng gulo at kahirapan sa Katimugan.

Ganun na nga ang strategy ng Malaysia lalo na at bumalik na si Prime Minister Mahathir Mohamad sa dati niyang puwesto kahit na siya ay 93-years old na.

vuukle comment

MINDANAO AND MALAYSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with