^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipagpatuloy ang paglilinis sa maruming Manila Bay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ipagpatuloy ang paglilinis sa maruming Manila Bay

MULA nang umpisahan ang paghuhukay sa Manila Bay noong nakaraang linggo, nakakulekta na ng 225,000 cubic meters ng burak at basura rito. Matagal pa bago lubusang maalis ang burak at basura pero sabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), tuluy-tuloy na ang dredging kahit pa may mga tumututol sa ginagawang ito. Mga modernong gamit gaya ng amphi­bious excavators, dump trucks at debris segregator ang nag-ooperate ng 16 na oras sa isang araw. Anim na linggo ang isasagawang dredging para lubusang mapalalim ang baybayin ng Manila Bay.

Binabatikos naman ng grupong Pamalakaya ang ginagawang dredging sa Manila Bay sapagkat apektado na umano ang pinagkukunan ng ikabu­buhay ng mga maliliit na mangingisda. Dahil daw sa paghuhukay, kakaunti na lamang ang nahuhuli ng mga mangingisda. Kung dati raw ay nakakahuli ng 15 kilos ng isda mula nang simulan ang dredging ay 2 hanggang 5 kilos na lamang ang nahuhuli.

Malaking problema umano para sa mga maliliit na mangingisda ang paghuhukay sa kahabaan ng Manila Bay. Saan sila kukuha ng ikabubuhay. Hiling ng Pamalakaya, dapat bigyan ng pamahalaan ng pagkakakitaan at pagkukunan ng ikabubuhay ang mga apektadong mangingisda.

Binatikos din ng grupo ang ginagawang rekla­masyon sa Manila Bay at hiniling sa DENR na hadlangan ang “full-scale sellout” ng makasaysayang lawa. Ayon sa Pamalakaya, 43 ang naka-pending na reclamation projects sa Manila Bay. Sasakupin ng reclamation projects ang 30,000 hectares ng Manila Bay.

May punto naman ang grupo sa ginagawang dredging sa Manila Bay pero ang ginagawang ito ay para maalis ang burak at basura. Sa palagay kaya nila may mabubuhay na isda sa burak at basura. Kung may mabuhay man at mahuli ng mangingisda ang mga isda, baka malason pa sila. Huwag san­salain ang paglilinis sa Manila Bay sapagkat para ito sa lahat. Marami ang makikinabang kapag naging malinis ang Manila Bay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with