^

PSN Opinyon

Tama lamang ang ginawa ni Eleazar

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KALUPITAN nga bang maituturing ang ipinakitang bagsik ni National Capital Region Police Office chief Major Gen. Guillermo Eleazar kay Cpl. Mario Quibete? Marahil may nag-uudyok lang na mga interesado sa puwesto ni Eleazar kaya lahat nang paraan na makakasira kay Elea­zar sa pagdisiplina sa mga pulis sa Metro Manila ay inuudyok nito sa media. Ito ang sabi ng aking mga ka­usap sa MPD-Traffic Bureau. Hehehe! Kasi nga, sa tingin ng mga kausap ko, hindi basta-basta palalampasin ang kadupangan ni Quibete dahil ang kasiraan nito ay sa buong imahe ng Philippine National Police. Sa panahon nga­yon na abot-langit na ang taas ng suweldo ng mga pulis, wala nang dahilan para mangotong o magbangketa ng mga hinuhuling suspek lalo sa droga ang tema.

Nararapat namang ipatupad ni Eleazar ang lahat ng kaparusahan sa mga pulis na nagkasala dahil kung sa mga hepe lang nila ito dadaan tiyak na walang kahihinatnan ang lahat. Hindi na panahon ngayon na gumawa pa nang pagkakakitaan ang mga pulis dahil lahat na ng kanilang pa­ngangailangan ay ibinigay na ni Pres. Rodrigo Duterte kaya dapat lamang na maging tapat sila sa kanilang tungkulin. Ang hirap lang nito, may ilang opisyales pa rin na porke’t naging bataan noon ni Duterte ay may kakayahan nang lampasan ang galing na ipinakita ni Eleazar. Iyan ang sabi ng aking mga kausap sa MPD-Traffic.

Kasi nga lumang tugtugin na itong pangongotong at pagbabangketa ng ilang “bugok” na pulis. Noon pa iyan ginagawa ng mga “buwayang pulis” subalit ngayon na si Duterte na mismo ang sumusubaybay sa kanilang aktibi­dades, dapat lamang na magbago na sila sa kanilang kalu­kuhan. Hindi naman manghihinayang si Duterte dahil marami ang gustong maging pulis na matitino sa panahon niya. Kaya ang pagdidisiplina ni Eleazar ay napapahon ngayon na dapat lang na suportahan ng buong tropa ng PNP upang maiangat ang kanilang moral.

Kung tutuusin hindi lang naman si Quibete ang nakatikim ng bulyaw at dutdot. Kung inyong matatandaan noon ang Deputy chief ng PCP-9 na si SInsp. Danilo Paghubasan ay sinibak din matapos na mangikil sa mga Habal-Habal drayber. Sobrang kadupangan na itong pinakita ni Paghubasan dahil ang kanyang mga binibiktima ay mga isang kahig isang tuka lamang na naghahanapbuhay upang may maipakain sa kanilang pamilya. Kung kaya ang lahat ay may hangganan din kung kaya nang madakma ito ng CITF, ayon nasira ang kanyang pagkatao at maging ang kanyang pamilya ay nadamay.

Kung sabagay hindi lang naman siya ang mawawala sa imahe ng PNP dahil may nauna pa sa kanya na mas mataas pa ang ranggo. Ang tinutukoy ko ay si CInsp. Paul Bryan Torres chief ng Police Community Precinct (PCP) 6 at ang kanyang bata na si Police Officer 1 Ariel Eltanal. At itong pinakahuli ay itong pagsilbi ng warrant of arrest sa 7 pulis ng Las Piñas City sa kasong kidnapping. Mismong si Eleazar na ang nanguna sa pag-aresto sa 7 at ipinirisinta sa media. Sila ay sina Sgt. Joel Lupig, Cpl. Vener Gunalao, Cpl. Jayson Arellano, Patrolmen Jeffrey de Leon, Mark Jefferson Fulgencio, Reymart Gomez at Erickson Rivera. Kung nakatakas man sila noon sa kamay ng NCRPO Regional Special Operation Unit at Cavite Police sa inilatag na entrapment operation, di na ngayon dahil may order na ang husgado na arestuhin sila at ipasok sa selda na walang piyansa. Kaya mga kuyang kung pulis, magdalawang isip muna kayo bago lumihis ng landas dahil ang taumbayan ngayon ay nakamasid sa inyong mga kilos. Tumbasan na lamang ninyo ng tapat na paglilingkod sa bayan.  Sa mga umuudyok para sirain ang magandang paglilingkod ni Eleazar, magpahinog na lang kayo. Get n’yo mga suki?

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with