^

PSN Opinyon

Hindi mabagu-bago

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HUMINGI ng paumanhin si NCRPO chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang ginawa sa pulis na nahu­ling nangongotong sa drug suspect. Humihingi umano ng P200,000 si Police Corporal Marlo Quibete sa suspect para palayain. Inamin ni Eleazar na nawalan siya ng kontrol kay Quibete, pero dapat lang dahil sila ang sumisira sa imahe ng PNP. Sinuportahan ni President Duterte at PNP chief General Oscar Albayalde ang ginawa ni Eleazar.  

Naiintindihan ko rin si Eleazar sa kanyang inilabas na galit sa tiwaling pulis, na sa totoo lang, marami pa riyan ang hindi nahuhuli. Parang wala ring nagawa ang pag­doble sa kanilang sahod. May mga nahuhuli pa ring tiwa­ling pulis tulad ni Quibete, na miyembro pa ng Drug Enforcement Unit ng Eastern Police District.

Pero ang galit at pagkadismaya nina Albayalde at Elea­zar ay magiging tunay lamang kung talagang taos-puso ang kanilang hangad na malinis ang PNP. Hindi rin kasi madali ang kanilang trabaho na linisin ang PNP. Ilan nang mga namuno sa PNP ay hindi nagawa ‘yan, kahit anong babala ang gawin nila. Ito nga ang dahilan kung bakit hindi mabagu-bago ang imahe ng PNP. Baka mas lalo pa nga ngayon sa panahon ng extrajudicial killings (EJK). Ipinakita iyan sa survey kung saan karamihan ng Pilipino ay nangangambang maging biktima ng EJK.

Mapapabuntong-hininga na lang talaga kapag may nababalitaang tiwaling pulis. Kung nahuhuli man sila, sana ay agad kasuhan at tanggalin sa serbisyo. Ang iba kasi ay nililipat lamang sa ibang lugar. Kung nahuli na sa akto ng katiwalian, dapat ay tanggalin agad sa serbisyo.

vuukle comment

DRUG SUSPECT

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with