^

PSN Opinyon

Bawal umepal!!!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI puedeng ‘umepal’ ang mga politiko sa graduation rites at moving up ceremony ng mga student.

Sabi nga, bawal!

Ito ang deklarasyon ng DepEd kaya hindi pue­deng magpa-bright-bright ang mga politiko sa mga graduation ceremonies.

Buti nga!

Ayaw ng DepEd ang gagawing gimik ng mga politiko sa kanilang AOR dahil puedeng magamit ng mga kandado este mali kandidato pala sa kanilang pangangampanya ngayong nalalapit ang eleksyon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  dapat panatilihin ang solemnity ng graduation dahil ito ang araw na regalo ang mga student na inaasam ng kanilang mga magulang.

Ika nga, graduation rites!

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO,  hindi dapat gamiting political forum ng mga kandidato ito.

Ang moving up at graduation ay sa April 1 at April 5.

Nagkataon naman na panahon ng kampanyahan para sa May 13 National and Local Elections.

Gumawa kaya ng style ang mga kandidato para umepal sa mga graduation rites?

Abangan.

Si Imee at ang El Niño

Nanawagan si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, para magsagawa ng “Water Summit’ para planuhin ang mga maaring problemahin ng madlang Pinoy ngayong El Niño at matulungan ang mga rehion para bigyang babala ang publiko tungkol sa maa­ring mangyari.

Nag-aalala si Imee tungkol sa mararanasang tagtuyot kaya kailangang planuhin na agad habang maaga pa lang ang mga maaring maitulong sa mga magsasaka sa mga El Niño affected areas.

“Sagip buhay dapat tayo ngayon sa ating mga magsasaka,” sabi ni Imee.

Tinukoy ng PAGASA, ang mga probinsiyang nakakaranas ng tagtuyot tulad ng  Ilocos Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguin­danao, Sulu, Bukidnon, Basilan, Lanao del Norte at Lanao del Sur. 

Sa Laoag City, inumpisahan na ng mga magsasaka na i-harvest ang kanilang mga tinanim na mais para hindi masira ang mga ito.

“We must release emergency funds for our farmers, especially since our countrymen are just recovering from record-high inflation rates last year,” sabi ni Marcos.

‘Ano sa palagay ninyo tama ba si Imee?’ tanong ng kuwagong magtatalong.

Abangan.

vuukle comment

IMEE MARCOS

MOVING UP CEREMONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with