^

PSN Opinyon

Anong sabotahe?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MAY mga pangyayari nitong mga huling araw na inakusahan ng isang kandidato sa pagka-senador ng sabotahe ang local party kung saan ang kanilang grupo ay nagkaroon ng rally kamakailan lang.

Ito ay dahil hindi nga naisali si Dong Mangudadatu sa campaign display ng Hugpong ng Pagbabago noong nagkaroon sila ng political rally para sa HNP senatorials noong isang araw sa Amoranto Sports Stadium sa Quezon City na dinaluhan ng may higit 13,000 ka tao.

At tinuro ni Mangudadatu si QC vice mayor and ma­yo­ralty candidate Joy Belmonte na may pakana sa pana­nabotahe sa kanya na kaya nga raw wala ‘yung picture niya sa HNP led display.

Mali si Mangudadatu sa kanyang paratang kay Belmonte.

Siguro dapat ding maintindihan ni Mangudadatu na walang sabotage na nangyari.

Sa tingin ko, hindi yun mako-consider na sabotahe ngunit ‘yon ay isang realidad na kailangang tanggapin ni Mangudadatu dahil iba naman ang kanyang sinuportahan sa kandidato sa pagka-mayor ng QC at hindi si Belmonte.

Ganito po yon--- naniwala ako na ang HNP rally sa Amoranto Sports Stadium ay organized ng SBP group ni Belmonte at ng kanyang runningmate na si Gian Sotto, anak ni Senate President Tito Sotto.

Ngayon inamin naman ni Mangudadatu na si Rep. Bingbong Crisologo, ang katunggali ni Belmonte, ang kanyang sinusuportahan at may mangilan-ngilan nang photos na lumabas sa FB sa kanyang pag-endorso kay Bingbong. 

So, klaro yun na kay Crisologo si Mangudadatu at inamin nga niya sa panayam sa mga mamamahayag.

Ngayon, ang HNP rally sa Amoranto ay hosted at orga­nized ng grupo ni Belmonte at Sotto, kaya kailangang tanggapin ni Mangudadatu na hindi yun effort ng kanyang inendorsong mayoralty candidate. 

Natural lang na hindi pupuwedeng ikampanya ni Belmonte si Mangudadatu sa kanilang rally lalo na sa iisang stage sila kung ito ay nagpahayag ng pagsuporta sa katung­gali nitong si Crisologo. 

Ito ay kahit pa sabihin nating endorsed by HNP si Mangu­dadatu hindi rin yon automatic na iiendorso siya ni Belmonte kung ang kanyang sinuportahan ay si Bingbong. 

Ganun lang ‘yon. Pag may ginawa ka sa nakaraang mga araw laban sa host at organizer ng rally, tanggapin mo ang realidad na hindi ka talaga mai-endorso ng local host.

Hindi ‘yon sabotahe. Iyon ay ang mga tinatawag na “realities in politics” na dapat malugod na tanggapin ng mga kandidato at maging responsable sana sila sa kanilang mga aksiyon.

vuukle comment

DONG MANGUDADATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with