^

PSN Opinyon

Plunder: Mga alalay lang ang nananagot

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY kapansin-pansin sa tatlong dating senador na kinasuhan ng plunder -- sina Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada. Nakakalaya silang tatlo -- at kumakandidato pa nga para makabalik sa Senado. Si Revilla ay pinawalang-sala ng Sandiganbayan nu’ng Dis­yembre, bagamat mabigat umano ang ebidensya ng sala. Sina Enrile at Estrada ay out-on-bail, maski walang piyansiya habang nililitis sa karumal-dumal na krimen. Nakalusot sila dahil sa mga kakaibang katuwiran ng mga mahistrado ng Sandigan at ng Korte Suprema.

Higit sa lahat, mga chiefs of staff nila ang nananagot sa sala.

Si Richard Cambe, 10-taon alalay ni Revilla, ang sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakulong, kasama si pork barrel queen Janet Lim Napoles. Lumabas sa pagli­litis na sa P517-milyong pork barrel na pinarte, 50% ang napunta kay Revilla, 5% o P26 milyon kay Cambe, at ang labi ay kina Napoles at mga kasapakat na foundations. Pinasosoli ng Sandigan ang P124 milyon na idineposito sa bank account ni Revilla, pero ayaw nito dahil inosente umano siya. Kamala-mala mo, si Cambe lang ang mag-aabono ng buong P124 milyon na idineposito niya.

Si Gigi Gonzales Reyes, alalay ni Enrile, ay nakapiit sa Camp Bagong Diwa, Taguig. Maganda at nasa 50 taon gulang lang, maari siyang makulong nang 40 taon dahil direktang nakipagtransaksiyon kay Napoles. Naka-bail si Enrile dahil kuno sa “humanitarian grounds”: 95-anyos na siya. Pero tumatakbo pa siya sa eleksyon.

Si Paulyn Labayen, mas bata kay Reyes na alalay ni Estrada, ay nagtatago. Kapag mahuli siya, tiyak na hindi siya makakapagpiyansa. Direkta rin siyang naki­pagtransaksiyon para kay Estrada. Naka-bail si Estrada dahil umano’y hindi “main plunderer” sa palagay ng Sandigan. Sa katwiran ding ‘yon pinawalang-sala ng Korte Suprema sa plunder si ex-President Gloria Macapagal Arroyo.

Sa ganyang “hustisya”, tiyak na magpapatuloy ang pandarambong.

vuukle comment

BONG REVILLA

JUAN PONCE ENRILE

PLUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with