^

PSN Opinyon

Malas daw kaya sinibak sa trabaho (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

BILANG sagot, itinanggi ng Serenity at ni Mr. Lim ang paratang na hindi legal ang pagtatanggal kay April. Ang totoo raw, dalawang buwan pa lang sa trabaho si April sa kompanya ay marami na silang natatanggap na reklamo mula sa mga empleyado kaya pinagbakasyon nila si April ng isang buwan habang nagsasagawa ng imbestigasyon. Base raw sa resulta ng imbestigasyon kung kaya tinanggal nila si April dahil nawala na ang tiwala nila sa babae.

Noong una ay mas pinaniwalaan ng Labor Arbiter ang bersiyon ng Serenity. Kaduda-duda raw at mahirap paniwalaan ang mga paratang ni April lalo ang tungkol sa mga sinabi ng Feng shui master.   Kinampihan ng NLRC ang desisyon ng Labor Arbiter dahil masyado pa raw maaga ang ginawang pagsasampa ng kaso dahil pinag-aaralan pa lang ng Serenity ang dapat gawin sa kanya.

Pero binaliktad ng Court of Appeals at isinantabi ang naging hatol ng NLRC at ng Labor Arbiter.  Kinatigan ito ng Supreme Court na mas naniwala sa mga sinabi ni April lalo at pare-pareho ang naging testimonya niya sa mga isinumiteng pleading. Taliwas sa pabagu-bagong ebidensiya ng Serenity. Ayon sa SC, simple at diretso ang testimonya ni April patungkol sa kung paano siya sinibak sa trabaho. Mas matibay na ebidensiya ito kumpara sa mga salaysay ng Serenity na puro lang kopya at wala ang orihinal na dokumento. Ayon pa sa SC, para masabing tama ang ginawang pagtanggal sa trabaho, dapat na kusang-loob, may sapat na basehan, may layunin at alam ng amo ang kanyang ginagawa. Malinaw din ang mga detalye at responsibilidad ng employer na patunayan na tama ang ginawang pagtatanggal sa trabaho sa empleyado. Kapag hindi ito nagawa ay hindi legal at walang basehan ang ginawang pagsibak sa trabaho.

Iyon nga lang, dahil sa nangyari kay April at sa Serenity ay nagkalamat na ang kanilang relasyon. Hindi na rin ipinipilit na ibalik pa siya sa trabaho kaya ayon sa SC ay dapat na lang bayaran si April ng separation pay katumbas ng isang buwang suweldo kada taon ng serbisyo. Tungkol naman kay Mr. Lim, dahil hindi napatunayan ang malisya o masamang hangarin (bad faith) niya ay hindi siya dapat parusahan kasama ng Serenity. Hindi siya dapat idamay sa illegal na pagtanggal kay April. Serenity lang ang dapat magbayad ng backwages at iba pang benepisyo at separation pay ni April, pati na  magmula nang tanggalin siya sa trabaho hanggang maging pinal ang desisyon kasama na ang ?50,000.00 moral damages, ?25,000.00 exemplary damages at P20,000.00 attorney’s fees (Wensha Spa Center and/or Xu Zhi Jie vs. Yung, G.R. 188122, April 16, 2010).

vuukle comment

JOSE C. SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with