^

PSN Opinyon

No vaccination, no enrollment

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang proposal ng Department of Health (DOH) para mapilitang pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak laban sa tigdas: Gawing requirement ang pagpapabakuna bago makapag-enroll ang mga bata sa paaralang publiko.

Masyado nang nakakaalarma ang paglaganap ng tigdas sa bansa sa isang antas na hindi pa nangyayari sa mga nakalipas na panahon at ang dahilan ay ang takot ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ito ang epekto ng maraming kabataang napahamak dahil nagpabakuna ng Dengvaxia na pangontra naman sa dengue fever na may ilang inireport na namatay. Ngu­nit ang Dengvaxia ay bagong tuklas pa lamang at nasa trial stage. Ang anti-measles vaccine ay matagal nang ginagamit at napatunayang epektibo at walang masamang epekto.

Nirerepaso na ng Department of Education (DEPED)ang proposal ng DOH na sapilitang vaccination sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Tinatayang nasa 11,459 ang bilang ng mga dinapuan ng tigdas at nasa halos 200 bata na ang namamatay dahil sa sakit.

Medyo kontrobersyal ang panukalang “no vaccination­, no enrollment policy.” Tiyak may mga papalag at si­si­gaw na ito’y paglabag sa karapatang pantao. May mga magulang na kusang pinapabakunahan na ang mga anak ngunit mayroon ding saklot ng pangamba dahil sa takot sa Dengvaxia.

Mukhang malaking porsyento pa rin ng mga magu­lang ang ayaw sa vaccination at karapatan nilang tu­manggi sa pagpapabakuna. Pero tungkulin at pananagutan ng gob­yerno na pangalagaan ang kapakanan ng taumbayan.

Sabi nga ni Education Secretary Leonor Briones, pagaaralan ng DepEd ang bawat aspeto ng proposal para tiyaking walang masisilip na butas para tawagin itong paglabag sa karapatang pantao. Para sa akin, ano man ang sabihin ng marami, ipatupad na ito porke maraming buhay ng mga bata ang nakataya.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with