^

PSN Opinyon

Huwag umupo nang matagal

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

AYON sa World Health Organization, masama sa kalusugan ang matagal na nakaupo. Kapag ika’y madalas naka­upo ng 2 oras o mas matagal pa ay posibleng may kum­plikasyon ito.

Ayon sa pagsusuri, puwede itong magdulot ng diabetes, pagkataba, pamamanhid ng paa at pagbuo ng dugo sa binti. Kapag lagi kang nakaupo, mas tataba ka dahil sa kakulangan sa ehersisyo. Puwede rin itong magdulot ng diabetes.

Ang pinaka-seryosong kumplikasyon ng pag-upo nang matagal ay ang pagbuo ng dugo sa binti. Kapag nangyari ito, puwedeng lumipat ang namuong dugo patungo sa baga at mahihirapang huminga ang pasyente. Pulmonary embolism ang tawag ng doktor dito at nakamamatay ito.

Fat Wallet Syndrome:

Ang isa pang peligro ng pag-upo nang matagal ay ang pagkaipit ng ugat sa may puwit natin. Puwedeng mamanhid ang paa kapag matagal na nadaganan ang ugat nito. Mayroon ding tinatawag na “fat wallet syndrome” kung saan kapag nauupuan ang matabang wallet ay puwedeng mamanhid ang paa. Madalas itong mangyari sa mga lalaki, lalo na sa mga driver at executive na laging nakaupo.

Ano ang solusyon?

1. Bawat 30 minutos na nakaupo, tumayo ng 2 mi­nuto para mag-stretch. Kung 1 oras kang nakaupo, maglakad-lakad ng 5 minuto.

2. Gumalaw-galaw kahit nakaupo. I-stretch ang braso habang nakaupo. Galawin ang mga paa. Ipadyak-padyak ito. Makatutulong ito sa sirkulasyon at pagdaloy ng dugo.

3. Huwag gawin ang lahat ng ehersisyo sa gabi, pero buong araw ka namang nakaupo. Hatiin ang iyong pag-ehersisyo. Mag-ehersisyo kaunti sa umaga at sa gabi.

4. Ilagay ang wallet sa harap ng pantalon. Huwag kapalan ang wallet at bawasan ang laman nito.

5. Kung madalas kayong gumagamit ng computer, mag-break at maglakad bawat 30 minutos para makapahinga rin ang iyong mata. Kapag matagal na nakatitig sa computer screen, puwedeng sumakit ang iyong mata at ulo. Ipikit ang mata ng 3 minuto para makapahinga.

Tandaan: Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo para humaba ang buhay.

vuukle comment

FAT WALLET SYNDROME

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with