^

PSN Opinyon

Ginahasa ng tindero

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling labas)

KINASUHAN sina Mandy at John Doe (tawag sa ‘di-naki­lalang lalaki) ng dalawang kaso ng rape. Tumestigo si Rina tungkol sa masaklap niyang sinapit. Naging testigo rin ang City Health Officer na sumuri sa kanyang katawan, ang among si Mario at ang doktor na nag-alaga sa kanya habang siya ay buntis.

Itinanggi naman ni Mandy ang paratang na ginahasa niya si Rina. Ang depensa niya ay siyota niya si Rina at ilang beses na silang nagtalik kasama ng dalawa pang babae. Tumestigo para sa kanya ang dalawang babae na ‘di-umano ay karelasyon din niya. Tumestigo rin ang hepe ng pulis para sabihin na hindi na muling nagpakita sa presinto si Rina at ang kanyang ina matapos magsampa ng reklamo ng rape. Sinubukan din ni Mandy na palitawin na isang pokpok at mababang uri ng babae si Rina.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang palusot na magsiyota ang dalawa. Mahirap daw isipin na bigla na lang sasama sa kama ang isang disisiete anyos na tulad ni Rina sa isang tindero ng isda na hindi naman kaguwapuhan. Mas naniwala ang korte sa bersyon ni Rina lalo at humahagulgol ang pobre habang nagsasalaysay sa nangyari. Hinatulan ng korte na nagkasala si Mandy para sa dalawang kaso ng rape at pinatawan ng parusang kamatayan para sa bawat isang insidente. Pinagbabayad din siya ng danyos-perwisyo.

Nang awtomatikong umakyat ang kaso sa Supreme Court ay binago ng korte ang desisyon. Hindi raw napatunayan ang unang insidente ng rape dahil hindi malinaw ang mga detalyeng ibinigay ni Rina. Hindi raw nabuo ni Rina ang pagkakasunud-sunod ng mga nangyari at malabo ang kanyang kuwento kasi nga ay nawalan siya ng malay.

Pero kinatigan ng Supreme Court ang hatol sa panga­lawang kaso ng rape at hinatulan si Mandy ng parusang kamatayan. Sa maliliit na detalye lang daw nagkamali s  Rina at hindi ito masyadong importante para maapektuhan ang kanyang kredibilidad bilang testigo. Mas importante raw ang positibong pagtuturo ni Rina sa mga akusado at ang detalyadong pagkakasalsay niya sa masaklap na sinapit sa mga kamay ng buhong kahit pa siya lang ang nag-iisang saksi sa krimen.

Hindi rin pinansin ng SC ang depensa ni Mandy na hindi naman napatunayan ng walang pag-aalinlangan ang paggamit ng dahas at pananakot kay Rina. Hindi raw importante na sa sobrang takot ng biktima ay hindi na nakapanlaban ang babae. Sapat na ang ginamit na dahas at pananakot basta napagtagumpayan ang masamang layunin. Ang pananakot naman ay nasa utak ng biktima at masasabing base sa kanyang sariling pamantayan lamang. Sa kasong ito ay ikinuwento ni Rina kung paano siya pinahiga at pinigilan na makapanlaban ng tatlong lalaki. Kahit paano pa siya tinutukan ng kutsilyo basta malinaw na hindi niya makukuhang makapanlaban. Hindi naman puwedeng balewalain ang krimen ng rape dahil lang may ginawa siyang hindi ginagawa ng karaniwang biktima. Hindi natin masasabi kung paano tumatakbo ang utak ng isang tao lalo at may ganito siya katinding sinapit. Dapat na hatulan ng kamatayan si Mandy dahil sa ginawa niyang krimen ng rape gamit ang isang patalim at sa tulong ng dalawang ibang tao at mas nakabigat pa sa krimen ay pinasok nila ang isang tahanan para magawa ang krimen kahit pa sabihin na hindi si Rina ang may-ari nito (People vs. Tamparong, G.R. 124213, August 17, 1998).

 

 

vuukle comment

JOSE C. SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with