^

PSN Opinyon

Martiniano ‘Anong’ Martinez Rillo, 98

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ni Maragondon Cavite Mayor Rey­naldo Rillo, past Deputy District Grand Master ng Cavite na dadalhin na sa huling han­tungan ang ama nitong si Ka Anong na kinuha na ni Lord last Monday night habang nakaratay sa General Trias Medical Doctors, sa Martes (Feb.19).

Ang labi nito ay nakaburol sa kanilang resi­dente sa Barangay Bucal 1, Maragondon, Ca­vite.

Si Ka Anong ay i-aalis ng kanilang bahay sa Martes ng 10 a.m. at dadalhin sa Nuestra Se­ñora de la Asuncion.

Ang labi ni Ka Anong ay iki-cremate sa Feb. 19!

* * *

Mga boga sa NAIA huli

 

NABUKO ng mga personnel ng Bureau of Customs na nakatalaga sa isang bodega sa NAIA ang mga boga at bala na dineklarang solar panels at tool cart.

Sabi nga, misdeclared!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walong piraso ng bogang Glock 19 ang kinumpiska at maraming live am­munition.

Ika nga, walang import permit galing sa PNP-FEO.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga boga ay ilulusot papuntang Taiwan nang mabuko.

Ang mga boga ay nasa pag-iingat ng bureau habang kinakapa nila ang mga panga­lan ng mga salarin.

Abangan.

* * *

NAIA dapat nang ayusin

NAGMUMUNI-MUNI pa ang mga gagawa para ayusin ang NAIA pero depende pa ito sa usapan sa pagitan ng gobierno at ng consortium.

Ang gobierno kasi ang siyang magpopro­seso ng mga dapat gawin sa NAIA.

Inaasahan na gagawin ang NAIA oras na inaprobahan ng NEDA ang proposal.

Ika nga, huwag nang magpa-tumpik-tum­pik pa ang gobierno para matapos na ang pag­papaganda ng airport?

Naku ha!

Sabi nga  hindi biro ang NAIA consortium.

Mga ‘bigtime’ sila!

Planong palakihin ang kapasidad ng NAIA mula 31 million up to 65 million passengers nito every year.

Naku ha!

‘very good.’

Ang problema lumaki ang funding, dating P350 million noon naging P150 billion with matching 15 years concession ngayon.

Naku ha!

Bakit?

Abangan.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with