^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gawing mandatory ang pagbabakuna sa mga bata

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Gawing mandatory ang pagbabakuna  sa mga bata

BIGLANG lumaganap ang tigdas, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa Calabarzon, Central Luzon at Central at Wertern Visayas. Mahigit 60 na ang namamatay na kinabibilangan ng mga bata na may edad tatlong buwan hanggang apat na taong gulang. Hanggang sa kasalukuyan, marami pang ginagamot sa San Lazaro Hospital. Madaling makahawa ang tigdas sapagkat sumasama ito sa hangin. Kapag nalanghap, doon na magsisimula ang pagkalat ng virus. Nagkakaroon ng kumplikasyon kaya may namamatay.

Lumutang ang isyu sa Dengvaxia sapagkat ito umano ang dahilan kaya natakot ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. Nagkaroon sila ng phobia sapagkat nang bakunahan ang mga batang mag-aaral noong 2017, marami umano sa mga ito ang namatay. Ayon sa Sanoffi Pasteur, maker ng Dengvaxia, hindi dapat bakunahan ang mga batang hindi pa nagkaka-dengue. Mula noon, tumamlay na ang pagpapabakuna. Ayaw ng mga magulang na mapahamak ang kanilang mga anak.

Pinipilit ng Department of Health (DOH) na bagu­hin ang pananaw ng mga magulang ukol sa bakuna. Ligtas ang bakuna laban sa tigdas kaya nararapat na dalhin ng mga magulang ang kanilang anak sa health center para mabakunahan. Kailangan ito para mailigtas sa kamatayan ang mga bata. Walang ibang gamot sa tigdas kundi ang bakuna.

Maski si President Duterte ay nanawagan sa mga magulang na pabakunahan laban sa tigdas ang mga bata. Isang information campaign umano ang gagawin ng Presidente para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga bata. Isang mensahe umano ang idedeliber ng Presidente sa mga susunod na araw. Tulong din daw ito sa DOH para magkaroon ng tiwala ang mamamayan.

Kailangang mabakunahan ang mga bata. Mas maganda kung gagawin nang mandatory ang pagbabakuna para masigurong ligtas ang mga bata. Dapat ay gumawa ng batas ukol dito para tiyak nang mababakunahan ang mga bata. Ipag-utos ng Presidente sa mga mambabatas na gawin itong prayo­ridad. Ito lamang ang paraan lalo pa’t kung anu-anong sakit ang tumatama sa mga bata.

vuukle comment

MANDATORY VACCINE

MEASLES OUTBREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with