^

PSN Opinyon

Bakuna-Phobia

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DENGVAXIA-phobia, outbreak sa tigdas ang ibinunga.

Malubhang epidemya sa tigdas ang laganap sa ating bansa ngayon porke maraming magulang ang takot pabakunahan ang kanilang mga anak sa sakit na measles.  

Sariwa pa sa gunita ng marami ang perhuwisyong dulot ng bagong tuklas na bakuna sa dengue fever na kung tawagin ay Dengvaxia. 

Hindi na natin kailangang idetalye ang isyu dahil batid na ng lahat. Pero iba ang Dengvaxia sa mga bakuna laban sa ibang karamdaman na subok nang mabisa sa pagpigil sa mga karamdaman. Pero dahil inaprubahan agad ng nakaraang rehimen ang Dengvaxia, ang sinisisi ngayon ay ang mga opisyal sa pangunguna ni ex-president Noynoy Aquino.

Ang Dengvaxia ay nasa experimental stage pa lamang at minalas tayo dahil ginawang testing ground ang Pilipinas. Nang marami nang batang Pilipino ang naturukan, dun lamang ibinalita na puwede palang magdulot ng masamang epekto ito sa mga di pa dinarapuan ng dengue.

Water under the bridge wika nga. Nangyari na ito at hindi na puwedeng ibalik ang nakaraan upang baguhin ang mga naganap. Ang magagawa lang ay himukin ang mga magulang na ang mga supling ay di pa tinitigdas na pabakunahan na ang mga anak.

Magpapatupad daw ng forced vaccination ang gob­yerno. Baka pumalag naman ang taumbayan at magsisisigaw na nilalabag ang kanilang karapatan. Mas mabuti kung imbes na puwersahan, himukin ang mamamayan nang may hinahon. Matagal nang ginagamit ang anti-measles vaccine at talagang epektibo sa pagpigil ng nature get karamdaman.

Ngayon nakikitang maraming bata ang namamatay sa tigdas, marahil naman, hindi na kailangang pilitin ang mga magulang at kusa nang pababakunahan ang kanilang mga anak.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with