^

PSN Opinyon

Magpabakuna bago mahuli ang lahat

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI na biro ang balitang namamatay na mga bata dahil sa tigdas. Kailangan magdoble ingat lalo na ‘yung mga sanggol pa lamang. Kung abot anim na buwan na ang inyong mga anak huwag nang mag-atubiling pumunta sa mga health center para mabigyan ng bakuna. Napakahirap magkasakit ngayong panahong ito lalo na sa mga bata. Wala pa man tayo sa kalagitnaan ng tag-araw pero bumulusok na ang nagkaroon ng sakit na ito.

Ang malaking problema ay ang mga magulang na natakot magpabakuna sa kanilang mga anak ng pumutok ang balita tungkol sa Dengvaxia. Nung hindi pa lumalabas ang balita ng Dengvaxia, 93% ang nagpapabakuna sa ating mga health centers. Meron ding napapabalitang nagkaroon ng tigdas pero hindi naman nagsimatay dahil naturukan ng pangontra sa sakit. Ngayon dahil sa pakikisawsaw ng PAO sa issue ng Dengvaxia sa pamumuno ni Atty. Persida Acosta namayani ang takot ng mga magulang na paturukan ng anumang bakuna ang kanilang mga anak.

Hirap magtrabaho ang mga taga Department of Health (DOH) na kumbinsihin ang mga magulang na bigyan ng measles vaccine ang kanilang mga anak. At ang nakakainis pa kay Acosta, sinabi niyang trabaho ng DOH ang paghikayat na pabakunahan ang mga anak. Paano nga nila ipatutupad ang kanilang trabaho kung andiyan ka naman na isinasaksak mo sa isipan ng mga magulang ang issue ng Dengvaxia, kahit naman siguro sino sa atin ay matatakot sa sinasabi ni Acosta.

Kunsabagay hindi ito ang tamang oras ng sisihan. Magtulung-tulong hikayatin ang mga magulang na may sanggol na huwag matakot pabakunahan ang kanilang mga anak dahil madaling makahawa ang tigdas.

vuukle comment

DENGVAXIA

MEASLES VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with