^

PSN Opinyon

Prosti ang testigo (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

MAY mga pulis na dumating para sumaklolo partikular na si PC/Sgt. Guerrero mula sa homicide section. Dinala ang mga bangkay nina Nahemiah at Vicky sa NBI para masuri at lumabas sa awtopsiya na pareho silang nagtamo ng tatlong bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kinasuhan sila Cardo, Badong at Mando para sa dalawang bilang ng murder sa pagpatay nila kina Nahemiah at Vicky. Base sa ulat ng mga pulis at sa naging testimonya ni Dinah ay sina Cardo at Badong lang ang nahatulan ng reclusion perpetua. Si Mando ay pinawalang sala. Nang umapela sa kanyang kaso ay tumakas si Badong kaya binasura ang kanyang apela.

Sa kanyang parte, kinuwestiyon ni Cardo ang kredibilidad ni Dinah para tumayong testigo. Marami raw hindi pagkakatugma sa kanyang mga isinalaysay sa korte partikular sa pagkakaiba ng sinabi niya sa paglilitis at sa kasong administratibo ni Cardo. Hindi raw dapat paniwalaan ng hukuman si Dinah ayon kay Cardo dahil isa siyang pakawalang babae. Hindi raw malayong hindi magsabi ng totoo si Dinah o kaya ay ibenta ang anumang gustong sabihin niya kung mismong katawan nga raw nito ay inilalako sa mga lalaki.

Binale-wala pa rin ng Supreme Court ang mga pahayag ni Cardo. Hindi naman daw porke ganoong klaseng babae si Dinah ay isasantabi na ang kanyang testimonya bilang testigo. Dapat na may malinaw na ebidensiya para kuwestiyunin ang kanyang kredibilidad bukod sa kanyang pagiging bayarang babae. Kahit daw isang prosti ay puwedeng maging testigo. At puwedeng mahatulan ang isang akusado base sa salaysay nito basta mapatunayan na hindi siya tinuruan sa kanyang sinabi at kapani-paniwala ang kanyang testimonya. Walang kinalaman ang reputasyon ni Dinah sa kaso. Ang pagkakaiba sa kanyang testimonya at ang kanyang pagsisinungaling tungkol sa kanyang personal na pagkatao ay hindi sapat para mabatikan ang kanyang mga pahayag. Siyempre ay naroon ang kanyang takot kay Cardo na alam niyang isang pulis na nakapatay pa sa dalawang biktima. Isa pa ay walang kinalaman ang kanyang pagsisinungaling sa positibo niyang pagtuturo kina Cardo at Badong.

Napatunayan din ang pagsasabwatan nina Badong at Cardo. Ipinahayag ni Dinah ang pagtutulungan ng dalawa para magawa ang pagpatay dahil nga nakita nito ang pagtatalo nila kay Nahemiah bago nila pinagbabaril. Malinaw na pareho silang nagkasala.

May kaakibat din na kataksilan ang nangyaring pagpatay na siyang nagpabigat sa kaso kaya naging murder. Gumamit ang dalawang akusado ng mga kilos, galaw at paraan para masigurong hindi makapanlalaban ang mga biktima na hindi sila mapapahamak kaya mas bumigat ang kaso nila at naging murder na ang parusa ay reclusion perpetua. (People vs. Cheng, Malubay and Sioco, G.R. 120158-59, September 15, 1997)               

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with