^

PSN Opinyon

DOH parte kayo ng problema

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

LAHAT na lang tinuturo ng Department of Health na ang may kasalanan sa nangyayaring measles outbreak ngayon sa Metro Manila at mga karatig bayan ay ang Public Attorney’s Office (PAO) dahil nga nagdulot ito ng takot sa pagbabakuna nang inungkat     nito ang problema sa Dengvaxia vaccine noong nagdaang Nobyembre na allegedly ikinamatay ng may higit 100 bata.

Ang hindi ko maintindihan bakit madali sa DOH ang mang-akusa ng ibang tao at hindi man lang tiningnan ang ginawa nito upang ma-address ang problema sa laganap na measles cases na naging outbreak na nga.

May ginawa ba ang DOH? Isang tanong din ‘yon na naghihintay ng kasagutan. O sadyang kulang ang effort ng DOH na kumbinsihin ang mga magulang na pabakunahan nila ang kanilang mga anak dahil para man din ito sa kanilang sariling proteksyon. At ang naging labanan na ngayon ang kung ano ang sinasabi ni Health Secretary Francisco Duque at ni PAO chief Persida Acosta. Hindi naman maaayos ang problema sa measles outbreak kung patuloy na ididiin ng DOH ang PAO.

Dapat hanapan ng solusyon ng DOH dahil trabaho nila ito in the first place. 

At ayon sa representative ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na ang  outbreak of measles ngayon ay can be traced to the “failure of the health system,” 

“I think, it’s unfortunately, failure of the health system,” Lotta Sylwander said when asked about the possible reason for a measles outbreak. Ito ay ayon kay Sylwander sa kanyang statement sa isang pahayagan.

Bakit hindi nga nagawa ng DOH ang trabaho nito ukol sa measles vaccination? Bakit hindi nila pinursige ang laganap na information drive or door-to-door approach na ginagawa na ngayon ng mga tauhan ng DOH?

At dapat lang din siguro na hingin na rin ng DOH ang suporta ng local government units upang kumbinsihin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. 

Ang daming magagawa ng DOH ngunit ang pagbubunton ng sisi sa PAO ay hindi kanais-nais upang pagtakpan ang sarili nilang kapalpakan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES OUTBREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with