^

PSN Opinyon

ROTC, ayan na

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MALAMANG aprubahan sa Kamara ang pagpapabalik ng Reserve Officers Training Corps o ROTC sa mga kolehiyo.

lnalis noon ang ROTC sa mga kolehiyo dahil sa mga katiwalian at karahasan na nangyari kaya naman inalmahan ito ng mga students at mga parents nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ROTC  ay ipapatupad sa Grades 11 at 12 o sa senior high school.

Naku ha!

Ano ba ito?

Gusto ng ilang kongresista na itulak ang panukala dahil na rin gusto ito ni Boss Digong na ibalik.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka ngayong araw ay mabalik na ang ROTC oras na maaprubahan.

Sabi nga, priority bill ito ni Boss Digong!

Kabilang sa panukala ang pagsasagawa ng basic military at civic training para sa lahat ng students.

Ika nga, focus within two years!

Ang ROTC ay para sa national de­fense preparedness or civil-military opera­tions upang hindi maging pakaang-kaang ang kabataan sa oras ng panganib.

Naku ha!

Noong 2002 ay optional ang ROTC matapos matigok ang isang estudyante sa USTE na nagsiwalat ng katiwalian sa pondo at sa mga nangangasiwa nito.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

vuukle comment

RESERVE OFFICERS TRAINING CORPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with