^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga dayuhang terorista malayang nakakapasok

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga dayuhang terorista  malayang nakakapasok

MALUWAG ang mga nagbabantay sa airport at seaport kaya may nakakapasok na mga dayuhang terorista. Kung mahigpit ang mga awtoridad­ at laging may pagdududa sa bawat dayuhang puma­pasok partikular ang nagmula sa mga bansang identified sa mga terorista hindi mangyayari ang naganap na karahasan sa Jolo at maging sa Zamboanga. Umabot sa 23 ang namatay sa magkasunod na pambobomba sa Jolo Cathedral noong nakaraang linggo at dalawa naman sa Zamboanga kung saan, hinagisan ng granada ang isang mosque.

Kinumpirma ng Department of Interior and Local­ Government (DILG) na mag-asawang Indonesian ang nagsagawa ng pambobomba sa Jolo Cathedral. Ganito rin ang unang pinahayag ni President Duterte. Ang hindi malinaw ay kung suicide bombers ang mag-asawa. Iba’t iba ang lumalabas na report. May nagsasabing ang babae ang nag-iwan ng bomba sa upuan sa loob ng simbahan at saka lumabas. Sumabog umano ang bomba maka­raang makalabas ang couple. May nagsasabing pinasabog ng mag-asawa ang sarili.

Anuman ang nangyari, ang katotohanan ay nan­didilat na mga dayuhang terorista ang gumawa ng karumal-dumal na pambobomba. Walang awa nilang pinatay ang mga inosenteng church-goers. Paano nakapasok sa bansa ang mga Indo­nesian na ito?  Ayon sa report, tinuruan sila ng Abu Sayyaf para makapasok sa simbahan at maisagawa ang pambobomba.

Mayroon din umanong mga dayuhan na naki­tang nakikipaglaban sa mga sundalo. Pinamumunuan umano ng Abu Sayyaf leader na si Hatib Hajan Sawadjaan ang mga dayuhan, ayon sa military. Hindi naman nabatid kung ilang dayuhan ang kasama ni Sawadjaan. Si Sawadjaan ang itinuturong utak sa Jolo bombing.

Paano nakalusot nang walang hirap ang mga dayuhang terorista? Nararapat maghigpit ang awtoridad. Maging paladuda at mapaghinala sa mga papasok. Huwag hayaang maging pugad ng tero­rista ang bansa.

vuukle comment

AIRPORT

TERRORIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with