^

PSN Opinyon

Sino kaya?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS ipahayag ng DILG at PNP na suicide bombers­ mula Indonesia ang nasa likod ng dalawang pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel sa Jolo, nananawagan naman­ ang mayor ng Jolo sa mga taga-human rights na magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa insidente. Nangangamba ang mayor na baka pagtakpan lamang ang tunay na dahilan ng pagbomba ng simbahan.

Kung ang mga kapamilya ng mga namatay at nakaligtas sa pagbomba ang tatanungin, hindi sila naniniwala, o ang sabi nga ng isa ay hindi raw sila ganun ka-tanga na maniniwalang may dalawang nakapagpasok ng bomba sa loob ng simbahan, pati na rin sa labas na sinasabi ng mga awtoridad. Mahigpit daw ang seguridad sa labas ng simbahan. Ilang buwan na raw ganyan, kung saan lahat ng pumapasok sa simbahan ay kinakapkapan. Pati mga sasakyan ay hindi nakakaraan sa harap o paligid ng simbahan. May mga checkpoint sa limang kalsadang patungo sa simbahan. Halos pitong buwan na raw mahigpit ang seguridad, kaya hindi talaga makapaniwala na may nakapagpuslit ng bomba, dalawa pa, sa loob ng simbahan.

Malaking tanong ito sa mga awtoridad at mga nagbabantay ng simbahan. Kung ganito kahigpit ang paligid ng simbahan, kung lahat kinakapkapan at hindi pinapa­yagan ang mga sasakyang dumaan sa harap ng simbahan, paano nga naman nakapasok ang mga nagpasabog? Paano nalusutan ang mga sundalo? Hindi raw nagkulang ang mga nagbabantay ng simbahan. Pero ganun pa man, naganap nga ang pagbomba. Humihingi ng pali­wanag ang mga namatayan.

Ano kaya ang pinapahiwatig ng mayor ng Jolo na baka pagtakpan o magkaroon ng “whitewash” lamang ang imbestigasyon? Kung ayaw paniwalaan na suicide bombers ang nasa likod ng krimen, sino kaya? 

vuukle comment

BOMBING

OUR LADY OF MT. CARMEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with