^

PSN Opinyon

Tanggal sa trabaho dahil buntis

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

KATWIRAN ni Gladys ay hindi naman maituturing na imoralidad ang kanyang pagbubuntis lalo at wala namang balakid para magpakasal sila ng kanyang siyota.  Ang pagsuspinde raw sa kanya ay hindi dahil sa relasyon niya kay Ben kundi dahil nabuntis siya.

Kinuwestiyon din ni Gladys kung bakit ang pagpapa-kasal niya ang kondisyon na ibinigay ng eskuwelahan para siya makabalik sa trabaho na ayon sa kanya ay isang malinaw na paglabag din sa Art. 136 ng Labor Code.

Ayon naman sa pamunuan, mali si Gladys para limitahan ang imoralidad sa mga ginagawa lang ng mag-asawa dahil binabago na raw niya ang nakagawian natin na paniniwala, turo, at gawa ng eskuwelahan bilang isang institusyon ng simbahan sa Pilipinas.

Parehong sinabi ng Labor Arbiter at ng NLRC na  may sapat na basehan ang pagtanggal kay Gladys dahil sa kanyang pakikipagrelasyon sa kanyang boyfriend na nagresulta sa kanyang pagbubuntis na walang basbas ng kasal.

Ayon pa sa kanila ay immoral ito at pasok sa serious misconduct sa ilalim ng Art. 282 (a) ng Labor Code at sa sariling polisiya ng institusyon pati sa batas – Sec. 94, Manual Regulations for Public Schools (MRPS) na naglilista ng nakakahiya, malalaswa at immoral na kilos bilang basehan sa pagtanggal ng empleyado.

Dahil sa teknikal na basehan, binasura ng Court of    Appeals ang apela ni Gladys. Pero hinawakan ng Supreme Court ang kaso at dineklarang parehong nagkamali ang labor arbiter at NLRC.   

Ayon sa SC, ang pamantayan ng moralidad na sukatan sa publiko ay hindi dapat na base sa relihiyon. Ang kabulukan ay dapat na makasisira sa pag-unlad ng lipunan. Hindi porke hindi ito katanggap-tanggap sa tradisyong na­kagisnan ng isang partikular na sektor ay immoral na ito.  

Kailangan na hindi ito tanggap ng publiko at ng buong lipunan. Hindi naman ipinangalandakan ni Gladys ang kanyang relasyon sa kanyang boyfriend at hindi rin sila lumabas na nag-eeskandalo sila o isa siyang disgrasyada.

Walang batas na nagpaparusa sa isang babae na mabuntis dahil lang ginustong magtalik ng dalawa na parehong binata at dalaga. Wala silang nilalabag na panuntunan sa ating Saligang Batas.

Kung susuriin, ang pagtatalik ng dalawang tao na parehong hindi pa kasal at ang pagkakaroon nila ng anak sa labas ay hindi maituturing na isang uri ng imoralidad sa ilalim ng Sec. 94(e) ng MPRS.

Mali ang ginawang pagtanggal kay Gladys sa trabaho at dapat lang siyang bayaran ng backwages ng eskuwelahan pati separation pay at attorney’s fees (Christine Joy Capin-Cadiz vs. Brent Hospital and Colleges, Inc., G.R. 187417, Feb. 24, 2016)  

 

vuukle comment

JOSE C. SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with