^

Banat Opinyon

EDITORYAL - Daming establishment na nagsusuka ng lason

Banat
EDITORYAL - Daming establishment na nagsusuka ng lason

DESIDIDO si DENR Sec. Roy Cimatu na linisin ang Manila Bay at gusto na niyang umpisahan ito sa lalong madaling panahon. Nang inspeksiyunin niya ang mga estero na nakasubo sa Manila Bay, natuklasan niyang ang Estero de San Antonio Abad sa Malate, Manila ang nagluluwa ng mga dumi at basura. At ang mga dumi at basura ay galing­ sa Manila Zoo. Kaya mabilis ang babala niya sa management ng Manila Zoo na gumawa ng sariling sewage treatment plant (STP) o kasuhan sila. Ayon kay Cimatu, nakasaad sa batas na dapat may sariling STPs ang lahat nang establi­simento. Sa ilalim ng Republic Act 9275 o ang Phi­lippine Clean Water Act of 2004, nararapat na ma­siguro ang kalidad ng tubig na dumadaloy sa Manila Bay.

Dahil sa babala ni Cimatu, ipinasara ni Manila mayor Joseph Estrada ang Manila Zoo. Susunod umano sa direktiba na dapat ay mayroong STP ang Manila Zoo. Sa pagpapasara, aminado na talagang nagluluwa ng maruming tubig at basura ang Manila Zoo sa Manila Bay. Dapat nga lang isara ito at tuparin ang nakasaad sa batas. Kakatwa na kung hindi pa nagkaroon ng direktiba sa DENR si President Duterte na linisin ang Manila Bay, hindi matutuklasan na pawang dumi ang isinusuka ng Manila Zoo. Mahigit 50 taon na ang Manila Zoo at ganito na rin kahaba ang panahon na nagsusuka ito ng lason. Grabe!

Kung naging matigas naman si Cimatu laban sa Manila Zoo, dapat ganito rin ang ipakita niya laban sa iba pang nagpaparumi at nagsusuka ng lason sa makasaysayang Manila Bay. Maraming nakapa­ligid na establishments na wala ring STP at tapon na lang nang tapon ng kanilang dumi sa dagat. Walang ipinagkaiba sa Boracay na dinumihan ng mga walang disiplinang resort owners. Pero dahil­ desidido si Cimatu, nagawa niyang linisin ang Boracay at binantaan ang mga magdudumi roon.

Maraming malalaking establishments, pabrika, hotel, malls ang nasa baybayin ng Manila Bay. Ito ang dapat bigyang babala ni Cimatu sapagkat mas makapangyarihan ang mga ito. Katiting lang ang Manila Zoo kung tutuusin. Kapag nagawa ni Cimatu na banggain ang mga “higante” sa baybayin ng Manila Bay, pupurihin siya nang mamamayan.

vuukle comment

MANILA BAY

ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with