^

PSN Opinyon

Rehabilitasyon ng Manila Zoo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISINARA ang Manila Zoo dahil sa isyu ng polusyon ng Manila Bay. Ang maruming tubig ng zoo ay dumadaloy sa estero na humahantong naman sa Manila Bay. May kampanya na linisin ang Manila Bay, matapos ipahayag ni President Duterte na napakarumi na ng karagatang ito. Ang plano ay lagyan ng dalawang water treatment plant ang zoo sa loob ng tatlo o apat na buwan para hindi na nagtatapon ng maruming tubig sa estero. 

Wala namang problema sa pagsara ng zoo. Ang sa akin lang ay sana hindi rin napapabayaan ang mga hayop doon. Taon 1959 nang buksan ang zoo. Ang pinakasikat na hayop ay ang elepanteng si Mali. Higit 40-taong gulang na si Mali. Ang pagkakakilala nga sa kanya ay ang pinakamalungkot na elepante sa buong mundo, dahil walang kina­kasama. Sana habang sarado ang zoo, ipatupad na ang rehabilitasyon ng zoo sa halagang P1.5 bilyon. Nagbibigay ng kasiyahan ang mga hayop sa mga tao, kaya sana, naibibigay rin ang tamang pag-alaga sa kanila.

Samantala, inilagay ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN) ang tawilis sa listahan ng mga isda na namemeligrong maubos. Mula sa Taal Lake ang tawilis. Ibig sabihin, may posibilidad na mawala na nang tuluyan ang isda, kung hindi kikilos ang gobyerno. Ayon sa IUCN, dapat may regulasyon na sa paghuli ng isda, pati na rin ang paggamit ng mga ilegal na pamamaraan sa pa­ngingisda, at polusyon ng lawa. Hindi ko alam kung may iba pang hayop na namemeligro nang maubos.

Babala na ito na kung hindi pangangalagaan ang mga hayop, isang araw ay mawawala na lang ng tuluyan. Tulad ng tawilis na tila inabuso ang paghuli nito. Lahat ay may hangganan, kung magiging pabaya. Kaya mahalaga na idaan na sa rehabilitasyon ang Manila Zoo, para maala­gaan ang mga hayop doon.

vuukle comment

MANILA ZOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with