^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga ‘balyena’ ang lambatin huwag mga ‘dilis’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Mga �balyena� ang lambatin huwag mga �dilis�

MASIGASIG ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglambat sa drug pushers. Ganundin naman ang Philippine National Police (PNP). Araw-araw, mayroon silang nahuhuling nagtutulak at gumagamit ng ilegal na droga. Mula pa noong Hunyo 2016 nang umupo si President Duterte, halos araw-araw ay may nahuhuli.  Marami na rin ang napatay sa drug operations. Umaabot na sa mahigit 4,000 ang napatay ng mga pulis sapagkat nanlaban ang mga ito. Pero hanggang ngayon, sa kabila nang matinding kampanya sa ilegal na droga, marami pa rin ang nagtutulak at gumagamit nito.

Ang nakababahala ngayon, pabata nang pabata ang mga naaaresto dahil sa paggamit at pagtutulak ng shabu. Mga menor-de-edad ang ginagamit ng sindikato para sa kanilang negosyong droga.

Kagaya ng mga nahuling menor-de-edad sa Navotas City na nagtatrabaho sa isang drug den na pinatatakbo ng drug pushers noong nakaraang linggo. Nasa edad 4 hanggang 15 ang nahuli sa raid. Sa kabuuan, 12 menor-de-edad ang nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay North Boulevard. Bukod sa mga menor-de-edad, 16 na iba pa ang naaresto sa drug den. Nakakumpiska rin ng mga sachet ng shabu at paraphernalias sa drug den.

Binabatikos naman ng isang grupo ng human rights ang PDEA sapagkat hindi raw maayos ang pagtrato sa mga bata. May mga akusasyon na pinilit daw ng PDEA ang mga bata na aminin na sila ay nagtutulak at gumagamit ng shabu. Sabi ng human rights group, ang mga bata ay biktima lamang at nararapat daw na maging marunong ang mga pulis o PDEA sa tamang pag-handle sa mga batang nahuli sa droga. Hindi raw dapat ipahiya ang mga bata gaya ng pagpoposas sa mga ito.

Sabi naman ng PDEA, walang mishandling sa mga naarestong menor-de-edad. Sinusunod umano ng PDEA ang Republic Act 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act) kung saan ginagawa ang lahat nang paraan para makitungo sa mga batang nagkasala.

Masipag ang PDEA at PNP sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga. Pero sana, mga “balyena” ang kanilang lambatin at hindi mga “dilis”. Kung malalaki ang mahuhuli, tiyak mawawala ang “utak” o source ng shabu. Matutuwa ang mamamayan kung malalaki ang kanilang mahuhuli.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with