^

PSN Opinyon

Perang prebilehiyo, dapat tapatan ng responsibilidad

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PANTAWID Pamilyang Pilipino Program o mas kilala sa tawag na 4Ps, eto ‘yung proyekto ng gobyernong sumikat sa administrasyon ni dating Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III.

Hindi ko mawari kung talagang nakatulong ba ang programang ito sa mahihirap o lalong naturuang maging ta­mad si Juan Dela Cruz. May ilan naman, kinasangkapan ang 4Ps sa kanilang personal na interest. Umabot sa puntong kahit hindi naman kuwalipikado, tumatanggap ng perang prebilehiyo ng gobyerno.

Nitong nakaraang linggo, dalawang ginang mula sa Bulacan ang lumapit sa aming tanggapan. Mga benepis­yaryo umano sila ng 4Ps. Sa unang tingin, hindi mo papaniwalaang salat sila sa pamumuhay.

 Eto ang kanilang reklamo, taon 2018, nakakatikim sila ng cash grant mula sa gobyerno. Pero biglang natigil sa ‘di malamang dahilan. Anila, wala nang pumapasok na pera sa kanilang ATM cards. Nagreklamo ang dalawa sa barangay pero sinumbatan pa raw silang itigil na ang pagre­reklamo dahil wala na silang matatanggap… dahil ‘di naman daw nila pinagpaguran ang pera. 

 Maraming kontra sa programang ito ng gobyerno dahil ganito ang paniniwala. Kahit ‘yung isang Gabinete diyan­, ganito ang argumento. Ako naman, siguraduhin lang na ang makatatanggap ay totoong salat sa buhay at sa kaalaman, wala nang mahabang usapan. Linawin natin, ang prebi­lehiyo… ang katumbas nito ay responsibilidad at panana­gutan sa estado. Kahit naman sa kahit anong bagay, ma­ging sa mga scholarships.

Kahit sinong Herodes pa ang mag-sponsor sa’yo ng scholarship, magulang mo o trapong pulitiko, responsibilidad mong mag-aral nang mabuti at ‘di makakuha ng markang bagsak. 

Mayroong kondisyon na dapat tuparin para patuloy na makakuha ng benepisyo. Sa paglilinaw ng tagapagsalita ng DSWD, ang kondisyon ng 4Ps ay ang mga sumusunod:

Kailangang mayroong performance report. Dapat pumapasok ang mga anak ng benepisyaryo sa iskwelahan na may 85% attendance. Dapat sinasama rin sila sa mga health checkups at deworming programs kada buwan. Kung manganganak naman, dapat buwanan din ang checkup. At huli, dapat umaattend sa mga family development sessions.

Pinagkaubaya na namin kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova ang kaso ng dalawa. Itse-check niya kung compliant sa rules ng programa ang mga ginang. Akala kasi siguro ng iba, easy money ang 4Ps at walang kapalit. Kapag may problema at hindi ka nakakumpleto ng requirements, sapat na sa ito sa field office na basehan para hindi bigyan ng tulong.

Kung butas-butas ang pag-comply sa mga patakarang ‘to, ‘wag kayong umasang makakakuha ng financial assistance. Hindi karapatan ng bawat mamamayan ang programang 4Ps. Pwede itong bawiin anumang oras.

vuukle comment

BENIGNO “NOYNOY” AQUINO III

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with