^

PSN Opinyon

Huwag umiwas sa checkpoints

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ELECTION period kaya kaliwa’t kanan ang checkpoints ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Ito’y upang mapigilan ang mga tusong pulitiko na pumatay ng kalaban. Sa Metro Manila, pinangasiwaan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office director Guillermo Eleazar ang checkpoint. Sa unang gabi pa lang ay sandamakmak ang nabulaga sa paninita ng mga pulis at sundalo na kung saan may ilan pa ring tanga matapos na mahu­ling lasing at may dalang shabu. Marami pa rin ang hindi na natuto sa reglamento tuwing election period.

Upang hindi na malihis ng landas, narito ang mga ipinagbabawal: Bawal magdala ng baril na walang permiso ng Comelec. Bawal ang pagdadala nang matatalas ng bagay katulad ng patalim. Lahat ng sasakyan ay obligadong huminto sa check point subalit bawal bumaba ng sasakyan upang buksan ang trunk o buksan ang sasakyan upang halughugin ng mga pulis. Maari lamang itong halug­hugin kapag may court order dahil nakasaad ito sa batas ng Comelec at upang hindi maabuso ng PNP at AFP.  Puwede namang buksan ng awang ang iyong mga bintana at buksan ang ilaw sa loob upang masilip ng pulis at sundalo.

Sa mga naka-motorsiklo naman, patayin ang headlight, tanggalin ang helmet at ipakita ang inyong lisensiya kung hinihingi, huwag kayong kakaripas ng takbo at iiwas ng checkpoint dahil baka matulad kayo sa sinapit ng 2 kala­lakihan na napatay ng pulis matapos umiwas sa checkpoint at nakipagbarilan. Habaan natin ang pasensya tuwing sasapit ang dilim dahil siguradong magkakatrapik sa mga lugar na may checkpoint. Maganda naman itong isinasagawang checkpoint at Comelec gunban, kasi nga, mistulang manok na lamang ang buhay ng tao sa mga berdugo. Sa pagtaya ng PNP umaabot na sa 5,000 ang namatay sa kampanya sa droga ni Pres. Rodrigo Duterte. Kaya ngayong eleksyon na naman baka lumobo pa ito dahil sa utak pulbura ng ibang pulitiko.

Sinibak ni Duterte ang hepe ng Bacolod City police na si SSupt. Francis Ebreo na inakusahang narco cop. Hindi nakaligtas sina Supt. Allan Macapagal, Supt.  Ritchie Yatar, Supt. Nasruddin Tayu-an at  Station police chief na sina CInsp. Victor Paulino. Malaki ang hinala na sangkot si Ebreo at mga opisyal ng Bacolod City police sa illegal na droga kaya prangkahan itong inanunsyo ni Duterte sa birthday party ni Leo Rey Yanson. Walang pinipiling lugar si Duterte basta ang usapin ay droga. Matuto na kayong umiwas sa droga nang hindi sapitin ang lupit ng buhay. Get n’yo?

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with