^

PSN Opinyon

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAKIKITA sa itsura ng bunga kung anong klase ang puno. Kung ang dahon ay may butlig-butlig­ o bukol-bukol tulad ng sa puno ng santol, may diperensya­ at problema­ ang puno. 

Sa isang exclusive interview sa telebisyon ng kila­lang­ news anchor sa isang higanteng network, humingi­ ng pa­umanhin ang magulang ng batang bully sa Ateneo. Nakiusap ang nanay na intindihin ang kanyang anak dahil bata at wala pa ito sa tamang pag-iisip. 

 Tanong ko, anong klaseng bata? Kulang-kulang? Kulang sa pag-iisip o kulang ang magulang?

Sa inasal pa lang nung bata at sa klase ng kanyang­ pagtatanong, mayroon na siyang discernment. Bugbog­ o dignidad? Hindi ‘yan sasabihin ng musmos at walang alam na bata - mala choice or consequence ang estilo.

Bukod dito, sinabi ng magulang na mistulang giniba ng Ateneo ang pangarap niya bilang magulang sa kanyang anak nang tanggalin ang bata sa eskuwelahan. Hindi niya na nakita ang tunay na dahilan ng problema. 

Kapag tayo’y magulang, bago pumunta sa pangala­wang tahanan ang bata, dapat may pundasyon. Kung ang bata ay exposed sa masamang kapaligiran, magulong tahanan at pabayang mga nangangalaga, sigurado­ng may problema na.

Either ang mga magulang… gulpihan o murahan. O kaya naman masama rin talaga ang asal ng mga magulang. Pag madalas itong nakikita ng bata at parang ka­parte na ng kanyang kinalakihan o nakasanayan ay sigura­dong gagayahin niya ito.

 Wala namang problema, umamin ang magulang sa kanyang pagkukulang. Siguro, mas kaha­nga-hanga kung sinabi ng magulang na nagkulang sila sa pagpapa­laki­­ ng anak. 

Hindi ka nagkamali sa pagpapalaki ng bata, bagkus nagkulang ka bilang magulang. Maaari hindi nakita habang lumalaki ang bata sa loob ng tahanan. 

Nasa bahay ang pundasyon at character ng isang bata. Kasama na riyan ang ugali at asal. Kaya kung anong gawin sa iskuwelahan, may origin o pinagmulan… sa tahanan.

Diretsa ako magsalita dahil magulang din ako. At kung ang anak ko ay isang bully, makakatikim din siya sa’kin. I will say sorry at tatayo ako kung mali ang ginawa ng anak ko. 

Pero kung ang anak ko ay binully at lumaban lamang… ipinagtanggol ang sarili, ako’y tatahimik. Siyempre kung tama ang ginawa bakit pa ako magpapaliwanag. ‘Di na ako dapat magsalita dahil sigurado akong ma­ayos ang pagpapalaki ko sa anak ko. Gets n’yo?

Sa mga ganitong pesteng kaso pumapasok ang butas-butas na Juvenile Law. Ang lusot dahil bata, pake nila sa naagrabyado’t naabuso. Kaya ang krimen, paulit-ulit lang, iba-iba lang ng biktima. Tsk tsk tsk.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with